^

PSN Showbiz

Sinon pang-teleserye ang pinagdaanan sa buhay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Una napansin si Sinon Loresca nang gampanan niya ang role ni “Rogelia” sa nagtapos na Kalyeserye ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Napasama rin si Sinon sa ika-sampung franchise ng Enteng Kabisote 10 ni Vic Sotto which was shown last November 30, 2016. Hindi naglaon ay ginawa na siyang mainstay at isa sa mga Dabarkads ng EB.

Si Sinon lamang siguro ang nag-iisang tao na kayang mag-treadmill nang naka-usot ng 6-inch high heels kaya siya binansagang “King of Catwalk”.

Naging viral din worldwide ang ‘Miss Universe walk’ video ni Sinon bilang suporta sa kinatawan ng Pilipinas sa recently-concluded Miss Universe na si Maxine Medina.

Malayu-layo na nga ang narating ni Sinon pagdating sa kanyang bagong showbiz career. Bukod sa Eat Bulaga ay kasama rin siya sa bagong magsisimulang TV series, ang remake ng Impostora na pangungunahan ni Kris Bernal on GMA.

Si Sinon ay nagmula ng Masbate na nakarating ng London. Nang magkaroon ng chronic kidney failure ang kanyang ate sa London, napilitang lumipad pa-London si Sinon para maging donor ng kanyang isang kidney. Ito’y nangyari noong 2009. Pero halos nagpapagaling pa lamang pareho si Sinon at kanyang kapatid ay sumakabilang-buhay naman ang kanilang ama. Ang masaklap, hindi sila puwedeng umuwi sa burol at libing dahil hindi sila pinayagan ng doctor dahil sa major operation na isinagawa sa kanilang dalawa.

Beauty matagal nang pinaplano ang kasal

After ng magkasunod na engagement sa kanilang respective partners nina Anne Curtis at Billy Crawford kina Erwan Heussaff at Coleen Garcia, nag-propose na rin sa ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate-turned actress na si Beauty Gonzales ang kanyang live-in partner businessman for three years na si Norman Crisologo nu’ng nakaraang gabi ng March 1. Ang couple ay may one-year-old daughter na si Olivia Ines.

Ayon kay Beauty, kahit bago ang proposal ay napag-uusapan na rin umano nila ni Norman ang pagpapakasal.

Si Norman ay may isa ring anak sa isang aktres na nagmula sa isang showbiz royalty.

 

 

 

 

vuukle comment

SINON LORESCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with