^

Probinsiya

2 bodyguard ng mayor, tinambangan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang bodyguard ng pulitiko habang kritikal naman ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay 16, San Marcos (Payas) sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte noong Martes ng gabi. ?

Sa pahayag ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, taga­pagsalita ng Ilocos Norte PNP, kinilala ang napatay na si retired SPO2 Warlito “Lito” Maruquin, 61, ng Brgy. Bagbag sa bayan ng Solsona habang nakikipagbuno naman kay kamatayan sa Black Nazarene Hospital si ex-SPO2 Abdon Laureta.?

Narekober sa pulang kotseng Toyota GLI (TRS 353) na minamaneho ni Maruquin ang walong sachets ng shabu, tatlong cal. 45 pistol at mga bala ng baril.

Naganap ang pag-atake kasunod ng deklarasyon ng pagbuhay muli ng pamahalaan sa anti-drug war sa ilalim ng Oplan Tokhang. ?

Ayon sa pulisya, ang dalawang inambus ay mga bodyguard ni Mayor Alex Calucag ng Solsona.?

Sa tala ng pulisya, noong 2015 ay nalagasan si Mayor Calucag ng isang bodyguard na pulis sa naganap na ambush sa kanyang grupo sa Barangay Nalasin. ?

Samantala, nadismiss naman ng korte ang kasong murder ni Maruquin nang makipag-areglo ang biyuda ng traysikel drayber na kanyang binoga noong 2016.?

Pinabulagta ni Maruquin ang trike drayber matapos itong sumawsaw sa pagtatalo na sangkot ang kanyang kalaguyo.?

vuukle comment

DEXTER CORPUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with