^

Bansa

Umbagerong mister, ipinakulong ni misis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ngayon ang isang mister matapos na ireklamo ng kanyang misis kaugnay sa pambubogbog sa kanya sa loob ng kanilang sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Michael Gayatin y Pasturan ng #38-C Helena Street, Sta. Teresita Village sa Brgy. Malanday, Marikina City. 

Sa reklamo sa pulisya ng biktimang si Marita Gayatin, sinabi nito ang pambubogbog sa kanya ng suspek ay naganap dakong alas-11 ng uma­ga kahapon sa loob nang kanilang bahay.

Ayon sa misis, umuwing senglot ang suspek kaya sinita niya ito at pinagsabihan.

Gayunman, nagalit ang suspek kaya naganap ang pambubogbog kung saan binato pa ng paso sa ulo kaya nasugatan ang biktima at napilitang ipaaresto at ipakulong.

Nakakulong ngayon ang suspek sa himpilan ng pulisya dahil sa kasong multiple physical injuries.

vuukle comment

MICHAEL GAYATIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with