^

PSN Showbiz

Fans nina Alden at Maine nag-pramis ng milyones na tweets

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Two million tweets ang target ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza bukas para sa pilot ng rom-com series ng dalawa na Destined To Be Yours. Nag-usap-usap na ang fans na magtutulungan at magpupuyat para ma-achieve ang tina-target.

Ipinangako rin ng fans na hindi lang sa pilot nila ipapa-trend ang Destined To Be Yours kundi gabi-gabi hanggang matapos ito.

Naalala namin na sa airing ng full trailer ng rom-com series, 1 million tweets ang ipinangako ng AlDub fans at hindi namin na-tsek kung umabot nga ito sa isang milyon.

Si Denise Barbacena ang kumanta ng OST o Original Sound Track ng rom-com series titled Tadhana.  

Aliw pala ang eksenang nakita namin sa net na sinabayan ni direk Irene Villamor si Alden sa pagtakbo sa may LRT station kung saan kinunan ang first day taping.

Naalala tuloy namin si direk Irene sa presscon ng Destined To be Yours, parang hiyang-hiya itong humarap sa press at walang masyadong nasabi. Hindi raw kasi siya sanay na nagsasalita sa harap ng maraming tao.

Uge parang hindi nagta-trabaho pag nasa taping

Mamaya, after Sunday PinaSaya na mapapanood ang anniversary episode ng Dear Uge kung saan guests sina Marian Rivera at Boobay. Masaya ang episode at noong nasa taping kami, dinig na dinig namin ang tawanan ng tatlo in between takes. Kaya siguro mabilis natapos si direk Lorie Reyes sa taping.

Bukod kina Eugene, Divine Aucina, Aaron Yanga, Atak, at Jak Roberto, may mga kasamang komedyante sa comedy anthology na idea pala ni Eugene. Tinutulungan niyang magkaroon ng exposure at kumita na rin ang mga komedyante, lalo na ‘yung mga magagaling.

Kasama ring guest si Lharby Policarpio na matagal nang may crush kay Marian at kahit nag-asawa at nagkaanak na, crush pa rin nito ang aktres. Kuwento nito, nanginig siya nang una siyang ipakilala ni Rams David sa aktres noong may Walang Tulugan with the Master Showman pa. 

Natanong si Eugene kung kailan magsisimula ang Celebrity Bluff na pagsasamahan nila ni Edu Manzano. Inihahanda na raw ng network ang pagbabalik ng show na magiging daily na.

Someone To Watch nina Lovi at Tom finalist sa TV and filmfest sa NY

Very proud at masayang in-announce ni Lovi Poe na one of the finalists sa 2017 New York Festival’s World’s Best Television and Films ang pinagbidahang teleserye na Someone To Watch Over Me. Worth it ang mga luha na tumulo kay Lovi while doing the tele­serye.

“It also happens to be the lone finalist from Asia and the Philippines. Congratulations to one of the most hardworking teams I’ve ever had the chance to work with!! #STWOM team you guys are amazing,” post ni Lovi sa Instagram (IG).

Tungkol sa Early Onset of Alzheimer’s ang tema ng Someone To Watch Over Me with Tom Rodriguez as the patient. Isa sa nag-congratulate kay Lovi at sa buong team ng STWOM si Carla Abellana, GF ni Tom.

Kristoffer Martin recording artist na rin

Masaya para kay Kristoffer Martin ang kanyang fans at mga kaibigan dahil kasama sa renewal ng kontrata niya sa GMA Network, pipirma rin siya ng recording contract sa GMA Records.

Isa sa talented Kapuso young actor si Kristoffer dahil hindi lang mahusay na aktor, kumakanta rin ito. Ang tingin sa kanya, may swag na mala-Jericho Rosales at kung mabi-build up pa nang husto at mabibigyan ng more challenging roles, mas huhusay pa ito sa lara­ ngan ng pag-arte.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with