^

Pang Movies

Daniel hindi pa rin maka-move on sa duet nila ni Sarah!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Malakas talaga ang impact kay Daniel Padilla ng duet nila ni Sarah Geronimo kamakailan nang maka-share niya ang Popstar sa stage ng ASAP ng kantang Ako’y sa ‘Yo at Ika’y Akin Lamang. Hanggang ngayon kasi ay abot-tenga pa rin ang ngiti ni Daniel na hindi makapaniwalang makaka-duet niya ang kanyang idolo. Nahihiya pa ito kay Sarah dahil napakabait sa kanya ng mahusay na singer-actress.

Wish tuloy ni Daniel kay Mr. M (Johnny Manahan) na bigyan sila ng project ni Sarah sa TV o pelikula. Inamin ni Daniel sa isang interview na kung mayroon siyang gustong ibang makasama, ito’y walang iba kundi si Sarah. Kahit alam ni Daniel na busy at marami ang naghahangad na makatrabaho ang Popstar ay willing siyang maghintay para lang makasama sa isang project.

Tinitiyak din ni Daniel na hindi nagseselos ang kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo at natuwa rin  daw nang maka-duet nito si Sarah. Pareho raw nilang idol si Sarah at alam ni Kathryn na walang magiging malisya ang pakikipagtrabaho nito sa Popstar kung saka-sakali.

Alam din ni Daniel na darating ang time na kakailanganin nila ni Kathryn na makipagtrabaho sa ibang actor para matuto at mag-grow sa kanilang acting career. Pero hindi ibig sabihin nito  ay iiwanan na niya ang ka-loveteam at sinasabing real sweetheart.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with