^

PSN Showbiz

Marian nakadiskubre ng pampatagal ng buhay ng bulaklak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dalawa na sina KC Concepcion at Valeen Montenegro sa magiging suki ni Marian Rivera kapag operational na ang flower shop niyang Flora Vida by Ma­rian. Sa latest post ni Marian kung saan idineklara niyang “Certified anthophile” siya na ang ibig sabihin ay “a person who loves flowers” at may hawak siyang long-stemmed red roses, nag-congratulate si Valeen at sinabing kay Marian na siya mag-o-order ng mga bulaklak.

Si KC naman, nag-post muna ng emoji na red hearts at sinundan ng post na “I waaaant.”

May mga nag-o-order na rin kahit hindi pa tumatakbo ang flower shop ni Marian. Mukhang magi­ging successful ang business ng misis ni Dingdong Dantes ‘pag ganitong maingay na kahit hindi pa operational.

Nang makausap si Marian sa contract renewal niya para sa Biofitea, nabanggit nito na magtatagal ang roses sa Flora Vida at aabutin ng one year o two years dahil nakadiskubre siya ng paraan.

Pelikula nila ni Maja nadagdagan na ng sinehan, Paulo napagsabihan ni FDCP Chair Liza sa pag-i-emote?!

Inaksyunan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair ang panawagan at paghingi ng tulong ni Paulo Avelino para madagdagan ang 10 theaters na pinaglabasan ng pelikula nila ni Maja Salvador na I’m Drunk, I Love You.

Sa Facebook post ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra kahapon at ngayong Sabado ay mapapanood na sa 27 cinemas ang nabanggit na pelikula.

“Fourteen more cinemas will be screening the movie. As we speak, screens are increasing depending on gross box office receipts of the day. Just got an update: Total of 66 screens by tomorrow. Opening day ng bagong 6 na pelikula kahapon (Wednesday) so talagang kailangan silang ipalabas. Natural na may mawawalan ng sinehan but at the end of the day, numbers speak, so balik ang IDILY sa sinehan.”

Nabanggit ni Liza na walang authority ang FDCP sa theatres at producers, pero nakikipag-usap sila sa distributors at theatre ow­ners para makahanap ng solusyon sa problema sa pagpu-pull out ng mga pelikula sa sinehan.

“Siguro maganda kung wag tayong mas­yadong nega agad. Maybe it’s also better to see the exhibitors as partners first instead of always vilifying them on social media. Tayo-tayo lang din naman ang nagkakatrabaho. Lahat naman nadadaan sa maayos na usapan,” dagdag na post ni Liza na address yata kay Paulo.

Alden babawi kay Maine 

Ang cast ng Meant To Be na sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorsch­ner, Addy Raj, at Ken Chan ay makikisaya sa Panagbe­nga Festival this Saturday, 3 p.m., sa Sunshine Park sa Baguio City. Bukas, ang cast naman ng Destined To Be Yours na sina Alden Richards, Maine Mendoza, Koreen Medina, at Juancho Triviño ang makikita, 10 a.m., sa Sunshine Park pa rin.

Big promo pa rin ito ng Destined To Be Yours na magpa-pilot na sa February 27. Babawi si Alden dahil wala siya sa big promo ng rom-com series nila ni Maine sa Sunday PinaSaya last Sunday dahil nagkasakit.

Rhian hindi pinayagang lumipad, ipangsasahog sa serye ni Jennylyn

How true na hindi sa Mulawin vs. Ravena makakasama si Rhian Ramos kundi sa My Love From the Star? Tila nagbago ng desisyon ang GMA-7 at sa ibang show inilagay si Rhian kesa una naming nabalitaan.

May nakita kaming picture ni Rhian na kasama si Jackie Rice na kabilang din sa cast ng MLFTS na kuha yata sa taping. O, baka naman old photo ‘yun ng dalawa?

Importante ang role ni Rhian sa MLFTS kung totoong isa rin siyang artista rito na karibal ni Steffi (Jennylyn Mercado).

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with