^

PSN Showbiz

Alden at Maine ginastusan ng fans sa online radio program

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Paglalagakan kay Sen. De Lima minumulto raw!

 

PIK: Bongga ang suporta ng buong AlDub Nation sa drama series nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours. Na­ging guest namin ang ilang miyembro ng AlDub Nation sa a­ming radio program sa DZRH, at nabanggit nilang bukod sa pagti-trending sa Twitter, meron pa pala silang radio program online na talagang ginagastusan nila.

Gabi-gabi silang napapakinggan online kung saan doon nila pinag-uusapan ang lahat tungkol kina Alden at Maine. Ginagastusan nila iyon at sana nga raw ay makapag-promote doon sina Alden at Maine dahil napapakinggan sila sa buong mundo.

PAK: Sa presscon lang ng pelikulang Puwera Usog nalinaw ni Kiko Estrada na si Barbie Forteza raw pala ang nakipag-break sa kanya. Hindi nga raw sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap dahil wala namang ibinigay na oras sa kanya ang Kapuso young actress.

Ayaw na raw ni Kiko na makigulo pa dahil aba­la naman ngayon si Barbie sa kanyang seryeng Meant To Be.

Nasaktan lang daw siya dahil ang karamihan sa nasulat ay siya ang nakipag-break, at lumalabas na parang naagrabyado si Barbie. Sana kinuha man lang daw ang panig niya bago ito nasulat.

BOOM: Sa Facebook account lang naglabas ng pahayag sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Sen. Jinggoy Estrada tungkol sa pagkakaaresto kay Sen. Leila De Lima.

Medyo malayo naman ang lugar ni Sen. De Lima kina Sens. Bong at Jinggoy, pero puwede silang madaanan doon.

Nung dumadalaw kami sa dalawa, naririnig lang naming pinag-uusapan ng ilang staff ng dalawang nakapiit na senador na parang minumulto raw ang lugar kung saan inilagay si Sen. De Lima.

Sabi lang ni Sen. Bong sa kanyang FB account, “Ngayon naramdaman mo na rin kung ano ang naramdaman namin at ng aming pamilya.”

Binatikos naman ni Sen. Jinggoy ang ginawang pag-iwas muna ni Sen. De Lima sa mga aaresto sa kanya. Namalagi muna ito sa kanyang tanggapan sa senado, at nakiusap pang bukas na lang siya arestuhin.

vuukle comment

ALDUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with