Rape kasama sa death bill
MANILA, Philippines - Kabilang pa rin ang rape sa panukalang pagbuhay ng parusang kamatayan.
Ito ang nilinaw ni House Majority leader Rodolfo Farinas bilang pagtatama sa nauna nitong pahayag na limitado lamang sa tatlong kasalanan o krimen ang sakop ng House Bill 4727.
Ito ay ang Plunder na nakasaad sa Republic Act 7080, Treason sa ilalim ng Revised Penal Code at drug related offenses sa ilalim ng Republic Act 9165.
Subalit paliwanag ni Fariñas sa ginanap na caucus noong Lunes na ang krimeng Rape na nasa Revised Penal Code ay kasama sa death penalty bill.
“This clarification is being issued due to may earlier statement that the reimposition of the death penalty will be reimposed for three crimes only,” ayon pa kay Fariñas.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Fariñas matapos lumabas sa mga pahayagan kahapon na tatlo lamang ang krimen ang sakop ng House Bill 4727.
- Latest