^

PSN Showbiz

Probinsyano ni Coco nanguna noong 2016!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanguna ang mga programa ng ABS-CBN na nakapagtala ng average audience share na 45% noong nakaraang taon.

Ito ay base sa datos mula sa multinational audience measurement provider na Kantar Media, na gumagamit ng nationwide panel size na 2,610 na kumakatawan sa 100% TV viewing population ng bansa.

Nanguna sa lahat ng time blocks ang ABS-CBN, partikular na sa primetime (6PM-12MN) kung saan nakakuha ito ng 49%.

Numero uno rin sa morning block (6AM-12NN) ang ABS-CBN at nakakuha ng 39%; sa noontime block (12NN-3PM) kung saan nagtala ito ng 44%; at sa afternoon block (3PM-6PM) kung saan nagkamit naman ito ng 44%.

Umabot sa 16 Kapamilya programs ang kasama sa top 20 regularly airing programs mula Enero hanggang Disyembre 2016 (maliban sa Holy week). Una nga sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyano (40%) na sinundan ng The Voice Kids (37.6%), Pangako Sa ‘Yo (34.3%), Dolce Amore (33.8%), Pilipinas Got Talent (31.9%), Dance Kids (31%), Wansapanataym (30.7%), TV Patrol (30.6%), Pinoy Boyband Superstar (30%), at MMK 25 (29.9%).

Kasama rin sa listahan ang Home Sweetie Home (24.9%), Magpahanggang Wakas (24.4%), Goin Bulilit (23.3%), Ra­ted K (21.3%), Minute to Win It: Last Man Standing (20.3%), at On The Wings of Love (19.9%).

Samantala, ang ABS-CBN special na PiliPinas Debates 2016 ang pinakapinanood na programa noong 2016 na nakakuha ng national TV rating na 40.6%. Pasok din sa listahan ang one-time specials na Meron Akong Kwento: Ang Himig ng Buhay Ko (32.9%), at Halalan 2016: Ang Huling Harapan (25.7%).

Sabay sa pangunguna ng ABS-CBN sa katapat nitong network ay ang pangunguna rin nito sa digital platform. Ngayon nga ay mayroon nang 6 million subscribers ang iWant TV, ang pinakaunang video-on-demand service at nangungunang OTT platform sa bansa.

Ang mga pinakapinanood na programa sa iWant TV noong Disyembre ay FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, Pinoy Big Brother Lucky Season 7, The Greatest Love, Till I Met You, at Magpahanggang Wakas.

Samantala, mas maraming Pilipino na ang nakakapanood ng ABS-CBN shows matapos ang parternship nito sa PLDT, Inc., na nagbibigay access sa PLDT at Smart subscribers na matunghayan ang mga palabas, specials, at exclusive content sa iWant TV.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with