P3-M napulot, ibinalik ng 2 kawani
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patuloy na umaani ng parangal at papuri ang dalawang kawani ng isang hospital matapos nilang isoli ang napulot na P3 milyong cash sa Roxas, Isabela kamakalawa. Nakilala ang mga itinuturing na bayani ng bayan na sina Joeffrey Mercado, utility worker, ng Rizal, Roxas, Isabela at Armando Esteban, operating room aid ng Baringin Sur, Cauayan City, Isabela at kapwa empleyado ng Roxas District Hospital sa nasabing bayan. Ayon sa ulat, sa halip na masilaw at paghatian ang napulot na malaking halaga ay agad nagpasama sina Mercado at Esteban sa dalawang security guard ng nasabing hospital na sina Benizer Abad San Antonio at Gerald Abalos para dalhin ang napulot na halaga sa himpilan ng radio (dznc Bombo Radyo) na nakabase sa Cauayan City, Isabela.
- Latest