^

Police Metro

Buy bust ops: 5 utas

Ludy Bermudo, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lima katao na umano ay sangkot sa iligal na droga ang napatay sa Quezon  City at Maynila kahapon at kamakalawa ng gabi.

Napatay sa  Quezon City ang apat na suspek na nakilala sa mga alyas na “Bok”, nasa pagitan ng edad na 30-35, katamtaman ang katawan, nakasuot ng kulay green na t-shirt at checkered na short pants na may tattoo sa kanang balikat; isang “Tonton”, nasa pagitan ng 35-40, payat ang katawan, nakasuot ng kulay orange na t-shirt at checkered na short pants na may tattoo sa kanyang kanang ankle; alyas “Totoy”, nasa pagitan ng 35-40,  may taas na 5’3”, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na t-shirt na may markang Old Navy 2015; at isang alyas “Cris” nasa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’5”, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at brown pants.

Batay sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Police Station 6 at Police Station-4, laban sa mga suspek na kabilang sa mga nasa drug watchlist.

Una ay naganap dakong alas-9:00 ng gabi sa isang bahay na matatagpuan sa AFP Road, Veterans Village, Brgy. Holy Spirit laban sa isang kilalang drug pusher na si alyas “Abo”.

Nakatunog si Abo na may mga parak sa paligid sanhi para magtatakbo ito patungo sa kasamahang sina Tonton at Bok na bigla namang pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad sanhi para masugatan sina “Tonton” at “Bok at itakbo sa East Avenue Medical Center pero kapwa idineklara din silang dead-on-arrival, habang nakatakas naman si Abo.

Ang sunod ay nangyari ganap na alas-3:10 ng madaling araw laban kina alyas Totoy at Cris sa kahabaan ng 625 Big?ang Awa Compound, Brgy. Bagbag, Novaliches.

Sa kalagitnaan ng tran?aksyon ay nakatunog ang mga suspek na parak ang kanilang katransaskyon dahilan para magbunot sila ng baril at manlaban.

Gumanti ng putok ang mga operatiba sanhi para sila malubhang masugatan at itakbo sa Novaliches District Hospital pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Sa Sta. Cruz, Maynila ay napatay ang isang lalaki na sinasabing nanlaban sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 3 nang makatunog na mga pulis ang katransaksiyon sa ilegal na droga kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ?(JRMMC) ang suspek na si Alexander Jimenea? alyas “Alex”, nasa hustong gulang, at residente ng ?o. 2570 Kalimbas St., . Sta. Cruz.

Naganap ang buy-bust operation ?akong alas-11:45 ng gabi kamakalawa sa Rizal Avenue malapit sa panulukan ng Pampanga St., Sta. Cruz na kung saan ay nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya bumunot ng baril at pinaputukan si PO2 Munoz na hindi naman nasapul at siya naman ang pinutukan ng back-up na operatiba at bumulagta.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with