^

PSN Showbiz

Lola todo emote, tuyo bawal lutuin sa bagong bahay ni Alden!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang lola ni Alden Richards ang nagkuwento na hindi siya puwedeng magluto ng tuyo sa kusina ng bagong bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna dahil sa amoy ng isda na paboritong-paborito pa naman niya.

May-I-share ng Lola Linda ni Alden ang pagbabawal sa kanya na magluto ng tuyo sa January 2017 issue ng YES! Magazine.

Ang sey ni Lola Linda, puwede siyang magluto ng tuyo sa dirty kitchen ng bahay pero hindi pa ito tapos na tapos.

“Pilit kaming nagluluto dito, pinagbabawalan nga kami, kahit gustong-gusto namin. Do’n sana, kaso hindi pa rin ayos,” ang cute na kuwento ni Lola Linda tungkol sa kanyang “tuyoserye.”

Katabi lang ng main kitchen ng bahay na ipinundar ni Alden ang dirty kitchen na hindi pa tapos ang construction.

Makikita sa bagong isyu ng YES! ang halos lahat ng sulok ng bahay ni Alden, pati ang kanyang bedroom. Kasama ni Alden sa bahay ang tatay niya, mga kapatid, lolo at lola.

Miss U candidates lalagari sa paglalamyerda sa Pilipinas

Inilabas na ng host committee ng 65th Miss Universe ang tentative activities ng official candidates na magsisimulang dumating sa Pilipinas sa January 12 at January 13.

Pupunta sa Boracay ang lahat ng delegates sa January 14, sa January 15 ang Philippine terno show nila sa Vigan, Ilocos Sur, babalik sila sa Metro Manila sa January 16, lilipad sa Cebu sa January 17, bibiyahe sa Baguio City sa January 18, may fashion show sa Davao City ang iba sa January 19 at dadayo sa Batangas sa January 19 ang iba pang grupo.

Darating sa bansa sa January 20 si Steve Harvey, ang host ng 65th Miss Universe, may courtesy call ang mga kandidata kay President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace sa January 23, naka-schedule ang national costume show sa January 24 at sa January 30 ang big day, ang coronation pageant.

Sobrang hectic ang schedule ng Miss Universe candidates at puwedeng madagdagan pa ang activities nila, depende sa magiging desisyon ng Miss Universe Organization.

Pagdating ni Steve Harvey inaabangan

Excited ang Philippine media sa pagdating ni Steve Harvey sa Pilipinas.

Sure ako na excited din si Steve na makarating sa unang pagkakataon sa Pilipinas. Kung hindi pa nanalo si Pia Wurtzbach na Miss Universe, hindi malalaman ni Steve ang correct spelling ng name ng bansa natin.

Walang dapat ikatakot si Steve sa pagbisita niya sa Pilipinas dahil pinatawad na siya ng mga Pinoy sa palpak na announcement niya ng winner sa Miss Universe noong 2015.

Mapagpatawad ang mga Pilipino kaya mabilis nila na nakalimutan ang malaking pagkakamali ni Steve na nag-apologize naman. Ang importante, si Pia ang nanalo na isa sa mga dahilan kaya magaganap sa Pilipinas ang 65th Miss Universe.

Mag-expect tayo na kaliwa’t kanan ang mga interbyu kay Steve na mapapanood natin sa TV sa arrival niya sa Pilipinas sa January 20.

Hustisya sa bansa umiiral pa rin abogadong yumurak kay Dra. Belo suspendido, libel case namin na-dismiss

Na-dismiss ang libel case na isinampa laban sa amin nina Ricky Lo at Salve Asis.

Suspended naman ng isang taon ang abogado na umalipusta sa pagkatao at propesyon ni Dra. Vicki Belo.

Abogado ang nagdemanda sa amin nina Papa Ricky at Mama Salve. Abogado rin ang yumurak sa karangalan ni Mama Vicki. Dahil sa mga nangyari nitong mga nagdaan na araw, naniniwala ako na umiiral talaga sa bansa natin ang hustisya, kahit medyo natatagalan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with