^

Police Metro

6 drug suspects tepok sa buy-bust

Pang-masa

MANILA, Philippines – Anim lalaki na umano ay mga drug suspects ang  napatay sa magkahiwalay na buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Quiapo, Maynila, Quezon City, Mandaluyong City at Rosario, Cavite.

Sa Maynila, kinilala ang mga napatay na sina Ismael Kadil, 63, ng no. 874 Arlegui St., at isang alyas “Unzo”, nasa edad 30-40, ng Vietnam Alley, Arlegui St.

Batay sa ulat, dakong alas-2:05 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Vietnam Alley para maaresto ang suspek na si Fatima Silongan, 49.

Subalit nang aarestuhin na si Silongan ay nagsisigaw ito ng tulong kaya naglabasan ang mga tao hanggang sa may nagmura at nagsabi na bago madala sa presinto ang una ay magkakamatayan muna hanggang sa pinaputukan ang mga pulis na gumanti rin ng putok kung saan ay napatay sina Kadil at Unzo.Habang naaresto ang una.

Hindi naman umabot ng buhay sa ospital ang suspek na si Gerald Pamitan, 26 ng Elga St., Brgy.Tatalon, Quezon City matapos na manlaban sa isang  buy-bust operation kamakalawa.

Nabatid na dakong alas-10:45 ng gabi ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Quezon City Police District Station 11, sa kahabaan ng Bolanyos St., Meralco Lines.

Nagkunwaring buyer ng shabu ang isang operatiba at nang magka-abutan ng items ay biglang nakatunog ang suspek at nanlaban sanhi upang gantihan din siya ng putok at mapatay.

Napatay naman sa Brgy. Vergara, Mandaluyong City ang suspek na si Jennifer Ian Dassala, 35 ng Bocobo St., ng nasabing barangay nang mauwi sa shootout ang isang buy-bust operation.

Ayon kay Mandaluyong City Police chief, Police Senior Supt. Joaquin Alva, dakong alas-5:40 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa bahay ng suspek ngunit nang aarestuhin na  ay nanlaban ito kaya’t napatay.

Napatay naman sa Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite ang dalawa umanong drug pusher na sina Norman  De Guzman  Luna  alyas “Noglie”, 47 at Ro­nald  Molina Aranias alyas “Boroboy”, 50, barangay tanod matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad kahapon ng alas-4:30 ng madaling araw.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng halagang P300.00 na shabu sa dalawang suspek.

Nang matanggap na ng pulis ang biniling shabu ay palihim na sumenyas sa mga kasamahang nakakubli upang isagawa ang pag-aresto.

Sa halip na sumuko ay binunot ang nakatagong improvised 12-gauge shot gun at ipinutok sa poseur buyer na agad natabig paitaas kaya’t pinagbabaril ng mga pulis. - Ricky Tulipat, Ludy Bermudo, Mer Layson, Cristina Timbang

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

DRUG SUSPECTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with