^

Pang Movies

Vice masaya raw ang puso!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Vice masaya raw ang puso!
Vice

At least, happy daw ang kanyang love life, pag-amin ni Vice Ganda kay Boy Abunda nang mag-guest ito sa programa nitong Tonight With Boy Abunda (TWBA) last Tuesday.

Kung sabagay mukha ngang masaya si Vice. Obvious na kung ano man ang disappointment na kanyang naramdaman noong nalaman niya na hindi nga nakasama sa Magic 8 ng upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) ang supposed entry niyang The Super Parental Guardians, nabawasan na ito.

Ang pelikula ay napapanood na sa 250 theaters nationwide pero dahil sa sobrang lakas nang magbukas sa mga sinehan kahapon ay naging 280 sinehan na raw ang pinaglalabasan nito. Kasama niya rito si Coco Martin, na co-star din niya sa last year’s MMFF top grosser, ang The Beauty and the Bestie na idinirek ni late Wenn Deramas. Mahigit kalahating bilyon ang kinita ng nasabing pelikula.

Anyway, kasama rin nina Vice at Coco sa The Super Parental…, directed by Bb. Joyce Bernal, ang child actors ng FPJ: Ang Probinsyano na sina Onyok Pineda at Awra Briguela.

Coco aaminin na ang relasyon kay Julia sa Pasko

Speaking of Coco, aminin na kaya niya bilang regalo sa kanyang fans ang identity ng babaeng tunay na nagpapatibok ng kanyang puso?

Si Julia Montes ang sinasabing kanyang “one and only” na sinasabi namang hindi sila nagkikita ni Coco.

Kagaya ni Coco, busy din si Julia sa kanyang series na Doble Kara.

Tulad ng FPJ: Ang Probinsyano ni Coco, long running series din itong Doble Kara ni Julia, dahil mahigit sa isang taon na itong umeere.

Ewan kung hanggang February 2017 pa ang airing ng Doble Kara tulad ng nabanggit sa amin ng direktor nitong si Manny Palo, nang minsang nakasalubong namin siya sa corridors ng ABS-CBN.

Of Coco, like Vice, nagpapasalamat sila dahil pinilahan agad ang pelikula nila kahapon at nagdagsaan talaga ang maraming bata sa mga sinehan.

Tasks sa PBB wala nang challenge?!

Ay naku, Salve A., kung nanonood ka lately ng segments na ipinalalabas sa kasalukuyang Pinoy Big Brother (PBB) Season Seven, waring ang gusto ni Kuya ay i-please ang kanyang mga housemate, rather na tayong manonood.

Base ito sa mga task na ibinigay niya sa housemates lately.

Mami-miss mo tuloy talaga ang mga teen housemates na pinalabas na ni Kuya sa kanyang bahay. Hindi lang dahil nakakaaliw ang mga task na ibinibigay sa kanila, kung hindi dahil kahit hindi ka na kasing-bata nila, makaka-relate ka.

Halatang nag-iba na rin ng paboritong i-assign ng task si Kuya. ‘Di na si Jerome, kung hindi si Wil na sobrang Inglesero pa.

Si Baninay naman ay ‘poor copy’ ni Maymay, na ewan kung bakit waring pilit niyang ginagaya.

Well, observation namin.

Tanong lang, Kuya, may hinala ka rin bang isa sa mga male housemates mo ay bakla? Si Dra. Aura mismo ang nag-insinuate nito. At least, si Jesi, aminadong isa siyang transman, babaeng isa nang lalaki ngayon.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with