^

PSN Showbiz

Pilahan kaya sa MMFF? Sunday Beauty Queen walang sikat na artista, pero 4 years ginawa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pilahan kaya sa MMFF? Sunday Beauty Queen walang sikat na artista, pero 4 years ginawa
Sunday Beauty Queen

Hindi inaasahan ng mga producer at director ng Sunday Beauty Queen na mapipisil sila sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kuwento ni Direk Baby Ruth Villarama, speechless siya nang iparating sa kanya ang pagkakapili ng Sunday Beauty Queen na isang documentary tungkol sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na kinarir ang pagsali sa itinatag nilang beauty pageant na ngayon ay isang malaking event na sa HK at dinarayo na ng ibang nationalities sa tuwing magkakaroon ng coronation.

Tuwing Linggo lang ginaganap ang nasabing pageant dahil ‘yun lang ang pahinga ng mga kababa­yan nating namamasukan sa HK.

Dagdag ni Direk Villarama, four years nilang ginawa ang pelikula. Nagpabalik-balik sila sa HK at may pagkakataong 20 days pa silang namalagi doon para ma-capture ang kabuuan ng buhay ng mga OFW na kaligayahan ang pagsali sa pageant.

Pangako nila, entertaining and uplifting ang movie at puwede sa mga bata hanggang sa kanilang mga yaya since nakatutok nga ang kuwento sa mga OFW.

Ayon sa isa sa mga producer ng movie na si Mr. E.A. Rocha, ang movie ay  celebration din ng real essence of a family kaya puwede ito sa Pasko.

Walang sikat na artista ang Sunday Beauty Queen dahil na documentary na ang starring ay ang mga kababayan nating nagtitiis sa pagyayaya sa HK pero ‘pag Linggo ay nag-iiba ang mga personalidad.

Ito ang unang pagkakataon sa MMFF na may ipalalabas ng documentary na walang mala­king artista.

Nauna na itong nakipag-compete sa Busan International Film Festival last year.

“’Sunday Beauty Queen is not just an OFW story. It’s the story of every Filipino, struggling to make a living and yet finding light and hope in any way they can,” dagdag na pahayag pa ni Direk Villarama.

 “[And] at the heart of the film is ‘family’. That’s the heart of every OFW story. [And through MMFF], we can now share that beautiful story to Filipino families this coming Christmas.”

Ang producer ng Heneral Luna ang nasa likod din ng Sunday Beauty Queen - Voyage Studios and TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, Artikulo Uno Productions).

Ang tanong, tauhin kaya sa Pasko ang ‘reality film’ na nauna nang pinuri nang isali sa ibang filmfest abroad?

Mga bata ang pumipila tuwing Pasko sa mga sinehan.

Kung ang selection committee ay biglaan ang pag-iiba ng mga pelikulang isinali sa Magic 8 at niligwak ang mga movie nina Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin, Richard Yap among others, mag-change rin kaya ng panlasa ang mga manonood?

Baby Zia hindi pinagarbo ang first birthday

Nag-isang taon na kahapon ang panganay nina Marian Rivera and Ding­dong Dantes. Pero hindi na nila binigyan ng magarbong party si Baby Zia.

Nagpunta lang sila sa Tagaytay, sa Sonia’s Garden, kung saan unang nag-date ang mag-asawa.

Hindi pa nga naman maa-appreciate ni Baby Zia ang party.

Isang painting lang ng mag-ina ang bigay ni Dingdong na sobrang ikinatuwa ni Marian base sa kanyang Instagram post:

Happy birthday, Anak. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo. Nawa’y lumaki ka na maging isang mabuting tao at mapagmahal sa iyong kapwa.

Kasabay ng iyong kaarawan ay ipinagpapasalamat ko rin ang isang taon ko na pagbibigay ng gatas sa iyo. “Hinding-hindi ko nakakalimutan ang sakripisyo mo para sa anak natin. I am so proud of you! I appreciate your efforts very much!”

- Iyan ang lintanya ng asawa ko bago nya ibinigay ang painting na yan sa akin kanina lang pagkauwi namin from Tagaytay. Mahal, salamat sa regalong ito. Sobrang naantig mo ako.

Haaay ang sarap mabuhay na kasama kayong dalawa! Thank you LORD. Purely Breast Fed. By Mark Padernal.”

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with