^

Pang Movies

Actor na mabango ang hitsura, once a week lang maligo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang na-turn-off sa male celebrity na ito na sobrang macho at pinapantasya ng maraming babae at bading nang aminin nito sa isang online entertainment site na minsan lang sa isang linggo siya kung maligo.

Ayon pa sa male celebrity na lumaki sa ibang bansa, nakasanayan na raw niya iyon noong bata siya. Papunas-punas na lang daw siya sa ibang araw.

Dahil sa sinabi niyang ito, may mga nag-isip tuloy kung ano ang amoy ng male celebrity kung isang beses lang siya sa isang linggo kung maligo?

Ibig sabihin ba nito ay dina­daan lang niya sa paglagay ng pabango para hindi maamoy na hindi pa siya naliligo ulit?

Nakikita naman daw nila ang mga nagiging activities ng male celebrity. Parating pawisan ito dahil active rin siya sa sports. Tapos dinadaan lang niya sa papunas-punas lang? Ano na kaya ang amoy ng balat niya pagkatapos ng isang linggo?

Guwapo at macho pa naman ang male celebrity. Pero kung ganyan ang makagawian niyang paglinis ng kanyang katawan, mate-turn off ang kahit na sino’ng babaeng makakarelasyon niya.

Dapat ay may magturo sa male celebrity na ito na maligo araw-araw dahil iyon ang dapat lalo na sa paiba-ibang panahon sa bansa.

Kung nais niyang hindi mawala ang pantasya sa kanya ng mga girls at gays, ibahin niya ang kanyang personal hygiene dahil hindi puwedeng idaan sa papunas-punas lang ang dumi sa buong katawan.

Weekly primer ng Miss U raratsada na

Nasa bansa na ulit si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach at siya na mismo nagkumpirma na tuluy na tuloy ang pagtatanghal ng Miss Universe 2016 dito sa ating bansa.

Sa isang pinost niyang Instagram video, sinabi nga ni Pia na magaganap ang Miss Universe sa Pilipinas at excited na siyang ipagmalaki sa ibang mga candidates ang ganda ng Pilipinas.

“Mabuhay! I’m so excited to share with you all that the Miss Universe competition is indeed happening in the Philippines, and I can’t wait to show you all my beautiful country,” sey pa ni Pia.

Nag-post din ang management ni Pia na Mercator Artist and Model Management sa pangunguna ni Jonas Gaffud.

“We are announcing that the 65th edition of Miss Universe will be in the Philippines on January 12 to 30, 2017,” post pa niya.

Kung matatandaan ay binisita pa ni Pia si President Rodrigo Duterte noong nakaraang July dahil ang purpose niya ay ang makuha ang permiso nito na gawin ang Miss Universe sa Pilipinas. At nakuha naman ni Pia ang approval ng president. Ipapalabas na ngayong Sunday, November 6 ang Miss Universe primer sa ETC Channel titled The Journey To The Crown: A Celebration of Beauty kunsaan hosts sina Venus Raj at Shamcey Supsup-Lee.

Ipapalabas sa weekly primer na ito ang mga past Miss Universe winners tulad nila Gloria Diaz at Margie Moran at mga naging runners-up tulad nina Miriam Quiambao, Desiree Verdadero at Chiqui Brosas.

Pati na ang iba pang mga Pinay na lumaban sa Miss Universe ay maglalahad ng kanilang mga unforgettable memories ng naturang pageant.

Hollywood actress na si Meryl Streep pararangalan ng highest honor

Paparangalan ang multi-awarded Hollywood actress na si Meryl Streep ng Cecil B. Mille Lifetime Achievement Award na mula sa Golden Globe awards.

Ito ang highest honor na binibigay ng Hollywood Foreign Press Association sa isang celebrity. Deserve nga raw ng 67-year old actress na si Streep ang naturang award dahil sa mga na-achieve na niya sa kanyang career in the past 40 years.

Ayon sa president ng HFPA na si Lorenzo Sofia, si Meryl Streep ang ta­nging naisip nilang puwedeng bigyan ng lifetime achievement award for 2017.

“She has always taken roles with strong female leads, creating art by showing vulnerability and portraying truth on the big screen. Simply put, she is a trailblazer, having paved the way for women in television, film and stage.

“For shattering gender and age barriers, all with finesse and grace, the HFPA is humbled to bestow this honor upon her,” diin pa niya.

Nanalo ng walong Golden Globe awards si Meryl at na-nominate siya for a total of 28 times. Ang mga nakatanggap na ng Cecil B. DeMille award ay sina Denzel Washington, George Clooney, Woody Allen and Jodie Foster.

vuukle comment

PIA ALONZO WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with