^

PSN Showbiz

Veteran actress pinatira ng libre sa condo ng isang aktres

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May ginintuan na puso ang isang aktres na nagmagandang loob na patirahin sa condominium unit niya ang veteran actress na hirap na hirap sa buhay.

Matagal nang bakante ang condominium unit ng aktres pero imbes na parentahan, pinatira niya nang libre ang veteran actress, basta sagot nito ang pagbabayad sa association dues, kuryente at tubig.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng veteran actress sa aktres na hulog ng langit.

Naghirap ang veteran actress dahil nalulong siya sa masamang bisyo. Gustung-gusto niya na magtrabaho pero bihira siya na makatanggap ng mga assignment sa telebisyon.

May mga anak na binubuhay ang veteran actress na madalas na nangungutang sa isang karinderya para may makain sila.

In fairness, agad na nagbabayad ng utang ang veteran actress kapag may pera siya kaya tiwala sa kanya ang may-ari ng karinderya.

Madali na makagaanan ng loob ang veteran actress dahil mahusay makisama at mabait siya. Sana nga, magkaroon siya ng regular show sa TV para mabawasan ang mga problema niya sa buhay.

Ina ni Jennylyn pumanaw na sa edad na 74

Nakikiramay ako kay Jennylyn Mercado dahil sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother, si Mommy Lydia Mercado na sumakabilang-buhay sa edad na 74.

Sepsis secondary to pneumonia ang ikinamatay ni Mommy Lydia na itinuring si Jennylyn na tunay na anak.

Siguradong apektadung-apektado si Jennylyn sa matinding dagok na dumating sa buhay niya dahil sa pagkawala ni Mommy Lydia, ang wind beneath her wings.

Si Mommy Lydia ang karamay ni Jennylyn sa lahat, lalong-lalo na sa pag-aalaga sa kanyang apo na si Jazz.

Ang pribado na pagluluksa ang hiling ni Becky Aguila sa statement na inilabas niya. Si Becky ang manager at nanay-nanayan ni Jennylyn.

“In behalf of the family of Mommy Lydia Mercado, we would like to inform everyone of her demise this morning at St. Luke’s ICU. 
“We would also like to request for privacy for the family during this difficult time. We are hoping for everyone’s understanding.
“For those who have sent their deepest condolences, thank you. Please for pray for the soul of our dearest Mommy Lydia Mercado,” ang mensahe ni Becky sa lahat ng mga nakikiramay at nakikisimpatiya kay Jennylyn.

Mukha ni Pres. Duterte patok na panakot sa Halloween

Kaliwa’t kanan ang mga Halloween party dahil sa nalalapit na All Saint’s Day.

Nakakaloka na mabentang-mabenta para sa mga Halloween event ang mga maskara ni President Rodrigo Duterte.

Ano kaya ang pakiramdam ni Papa Rody, matutuwa ba siya o maiinsulto dahil ginawang pang-Halloween at katatakutan ang mukha niya.

Hit na hit ang mga Duterte mask kaya kumita nang limpak-limpak na datung ang nakaisip na gawin na maskara ang mukha ni Papa Rody.

Hahamakin… hahatulan na

Bukas na mag-uumpisa ang Hahamakin Ang Lahat, ang afternoon teleserye ng GMA-7 na tinatampukan ng love team nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Walang pasok bukas kaya matututukan ng mga estudyante at ng mga mahihilig sa soap opera ang Hahamakin Ang Lahat.

Matindi ang suporta kina Kristoffer at Joyce dahil sina Snooky Serna, Eula Valdez at Ariel Rivera lang naman ang mga co-star nila.

Ipinakikilala sa Hahamakin Ang Lahat si Bruno Gabriel, ang anak ng dating aktres na si Lani Lobangco na kapatid ng original Kokak girl na si Rachel Lobangco.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with