^

Bansa

China nag-donate ng P90M sa Lawin victims

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasunod ng state visit ni Pangulong Duterte sa China, sinimulan nang magbigay ng ayuda ang Beijing matapos nilang ianunsyo ang pagbibigay ng P90 milyong donasyon para sa mga biktima ng bagyong Lawin na nag-iwan ng mahigit 10 patay at pinsala ng mga ari-arian at pananim sa Northern Luzon.

Sa isang kalatas na naka-post sa opisyal na website ng Chinese Embassy sa Manila, nagbigay umano ng P50 milyong financial assistance ang China sa Duterte government para sa mga biktima ng super typhoon Lawin. Nag-pledge pa ang China ng karagdagang P35 million para rin sa mga biktima ng bagyo.

Bukod dito, ang ina­asahang magbibigay ng donasyon ang Red Cross Society of China na umaabot sa $100,000 para sa Pilipinas.

Dahil dito, sa kabuuan ay umaabot sa P90 mil­yon ang financial aid na inaasahan mula China para sa relief operations sa mga mangingisda at magsasaka na naapektuhan ng bagyo sa rehiyon.

Kasabay ng pagbibigay ng ayuda, nagpahayag ng pakikiramay si Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas at sa mga biktima ng bagyo at kanilang pamilya. 

vuukle comment

LAWIN VICTIMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with