Maayos na pamamahala sa POC pangako ni Vargas sakaling manalo
MANILA, Philippines – May magandang programa si boxing association chief Ricky Vargas para mahikayat ang mga National Sports Associations (NSAs) na bumoto sa kanya para makuha ang top post sa Philippine Olympic Committee.
Sinabi ni Vargas, lalabanan si incumbent president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. sa eleksyon sa Nobyembre 25, na may nakahanda siyang five-point program patungo sa pagkakaroon ng mas malakas na POC.
“We’ll develop a stronger POC, and that’s our mission for the Philippine sports,” sabi ng 64-anyos na si Vargas, hangad na wakasan ang 12-taong pangangasiwa ng 82-anyos na si Cojuangco bilang pangulo ng POC.
Hangad ni Vargas na pasiglahin ang Philippine sports sa pamamagitan ng magandang pangangasiwa, hindi pagdikta sa mga NSAs, pagpili ng mga atleta base sa kanilang performance, pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission at pagkuha ng suporta mula sa International Olympic Committee.
Kung mananalo ay nangako si Vargas ng maayos na pamamahala sa POC kung saan maipagmamalaki ng mga atleta ang mga opisyales na kumakatawan sa kanila.
Wala rin siyang balak kontrolin ang mga NSAs.
“I come from an NSA. You don’t choose NSAs; you don’t dictate the NSAs. You allow them to grow on their own and you have to empower them. You’re more of a commissioner – you work with; you enable,” sabi ni Vargas.
Sa maaayos na pamamalakad sa POC, sinabi ni Vargas na: “It’s something you do with your ability to govern as opposed to your ability to control which is political. Sports is not political. That would be our process as we’re here purely to help out.”
- Latest