^

PSN Showbiz

Megan kabado, Tom todo ang pagwo-workout para magka 8-pack abs

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabado si Megan Young sa  pag-ere ng bagong version ng Marimar. Pero nakikiusap siyang huwag muna silang i-prejudge dahil iba naman ito sa original at naunang Marimar na pinagbidahan noon ni Marian Rivera.

Ayon kay 2013 Miss World, nang mabasa niya ang script iba ito sa napanood niya sa YouTube.

Bukod sa kabado, sobrang excitement din ang nararamdaman ni Megan na may contract pa rin sa Miss World.

“Dito sa Marimar talagang maipapakita ang character nating mga Filipina na handang humarap sa kahit anong pagsubok.

Marimar is like any other Pinay who strive for the best. She’s a hardworker, gagawin niya ang lahat para makuha ang mga pangarap niya. Ganoon din ako, kahit sinabi ng iba dati na baka matalo ako sa pageant…I put that aside kasi ito ang gusto ko. Manalo, matalo at least nagawa ko. Si Marimar ganoon din na kahit mag-fail siya, in the end she’ll make sure na ‘yung failure na ‘yun ay magiging encouragement sa kanya to strive for the better,” sabi ng actress/beauty queen.

Sinigundahan naman ito ni Tom Rodriguez na gaganap na Sergio Santibanez. Ayon sa actor, maraming new ideas ang ipinasok dito bukod pa sa ginawa na nilang updated ang ibang mga eksena.

Pero mas challenging sa kanya ang role lalo na nga at kailangan niyang magpakita ng abs. Ngayon, wino-work niya na magkaroon 8-pack. Yup, hindi 6-pack abs. “I knew right away when I first heard about it that it was going to be a big project kaya wala talaga akong pinapalampas na oras for training. Right now, I started boxing and doing circuit training,” sabi ni Tom.

Isinakripisyo na rin ang paborito niyang ice cream na double dutch na ngayon ay hindi na niya tinitikman. “Nang tawagan ako ni Popoy (Caritativo – his talent manager), kakain ako ng double dutch, talagang hindi ko na itinuloy. Binalik ko na lang sa ref,” natatawang kuwento ng actor kahapon sa isang pocket interview.

One year din daw kasi siyang namahinga dahil after niyang rumampa sa Bench, hindi na siya masyadong nag-workout. Ngayon talagang todo bawi si Tom. “Nakaka-pressure pero at the same time I’m very excited because I know I’m going to learn a lot on this project. Plus, Megan and I have a great working relationship kaya mas nakakabawas ng kaba. It would be a great and fun challenge to breathe new life to the character.”

Pangako ni Tom gagawin niya ang lahat para kay Sergio.

Hindi na naman sila strangers sa isa’t isa dahil nagkatrabaho na sila at nagkasama na rin sa mga workshop. “Noon pa, 2011 magkakilala na kami, hindi lang kami close,” sabi ng actor. Kaya wala na raw agad silang ilangan, sa umpisa lang. Nagpaka-professional lang din sila.

Anyway, hanggang this year na lang ang contract ni Megan sa Miss World kung saan inextend ng one year ang kanyang contract matapos niyang mapanalunan ang korona noong 2013.

Ang Miss World ang nagsisilbing talent management ni Megan. One year naman ang kontrata niya sa GMA 7 pero hindi niya alam kung ilang project ang kailangan niyang gawin.

Ipinaliwanag niya sa Miss World na tasteful lahat ang eksenang gagawin nila sa Marimar lalo na nga’t target din nila ang batang viewers.

Si Tom naman ay nakabili na ng sariling condo at may bagong kotse ngayon galing sa mga kinita niya sa GMA.

Labis ang pasasalamat niya sa GMA dahil sumikat siya at noong time na gusto na niyang mag-give up, bumalik na lang ng States ay sinugalan siya ng network.

Wala ring night life si Tom dahil mas abala siya sa pag-aaral ng specialization sa science, math at iba’t iba pa.

Anyway, makakasama nina Sergio at  Marimar na sina Jaclyn Jose, Zoren Legaspi, Lauren Young, and Ms. Alice Dixon in her comeback project as a Kapuso.

Joining the stellar cast are Nova Villa, Tommy Abuel, Carmi Martin, Ina Raymundo, Ricardo Cepeda, Jaya, Cris Villanueva, Dion Ignacio, Frank Magalona, Ashley Cabrera plus Boobay as the voice of Fulgoso and to be directed by Dominic Zapata.

Marimar is slated to premiere this August 24 on GMA Telebabad.                  

vuukle comment

ACIRC

ALICE DIXON

ANG

ANG MISS WORLD

ASHLEY CABRERA

MARIMAR

MEGAN

MISS WORLD

NBSP

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with