^

PSN Showbiz

Sunshine ayaw nang mag-showbiz

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Wala nang planong mag-showbiz si Sunshine Cruz. Mas gusto niyang mag-concentrate bilang misis ni Cesar Montano. Nagpa-plano rin siyang mag-enroll ng culinary at nagsisimula na siyang mag-paint.

Desisyon nilang mag-asawa na tuluyan na niyang iwan ang showbiz.

May offer nga sa kanya ang ABS-CBN for Pre­cious Hearts. Pero hindi niya tinanggap. Napunta ang inayawan niyang role kay Ina Raymundo na unti-unti nang nagbabalik showbiz.

Anyway, excellent ang rating ni Cesar sa luto ng kanyang asawa. Favorite niyang lutuin ang baked salmon at kare-kare.

Pero hindi pa gaanong kinakarir ni Sunshine ang pagpi-paint. “’Pag itinabi mo sa mga painting ni Buboy (Cesar) parang pang Grade 1 ang gawa ko. Nakakahiya, ang pangit,” sabi ni Sunshine nang makatsikahan namin sa Bohol kasama ang asawang kakandidatong gobernador sa nasabing probinsiya.

Every weekend, nasa Bohol na silang mag-asawa. “Dati na namin itong ginagawa,” sabi ng dating aktres.

At nang tanungin siya tungkol sa pinsan niyang si Sheryl Cruz, ayaw itong pag-usapan ng aktres.

Ready na rin si Sunshine sa kampanya sa Bohol. Pero pakiramdam niya, mas madali ang gagawin nila ngayon kesa noong kumandidatong senador ang kanyang asawa.

Naging biglaan noon ang pangyayari. “Ako yung tipo ng artista na kinakabahan ’pag nag­sasalita sa stage noon. Puwede mo akong pakantahin over and over, pero pagdating sa pagsasalita sobrang kinakabahan ako. Pero ngayon, medyo okay na ako. Naka-adjust na ako,” sabi ni Sunshine.

Tatlo na ang anak nila ni Cesar.

vuukle comment

BOHOL

BUBOY

CESAR MONTANO

DATI

DESISYON

INA RAYMUNDO

NAGPA

PERO

SHERYL CRUZ

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with