^

PSN Showbiz

Walang special someone sa b-day ni Angelika

-
Nagdiwang ng kanyang kaarawan noong October 29 si Angelika dela Cruz at binigyan siya ng birthday celebration sa programang SOP. Hindi mahilig sa bonggang selebrasyon ang magandang aktres kaya nga kahit noong nag-debut siya ay mas pinili pang makapiling ang mga magulang at kapatid sa Japan kung saan doon sila nag-celebrate at nagsilbing regalo ito sa kanya ng kanyang daddy.

Pinili pang makapiling ni Angelika ang kanyang matatapat na tagahanga sa isang simpleng meryenda sa kanilang bahay noong Linggo kahit baha sa kanilang lugar sa Malabon. Bagamat bagyung-bagyo ang kanyang kaarawan ay nagpapasalamat naman siya at kapiling niya uli ang kanyang mga magulang. Ang birthday wish niya ay magkaroon sana ng kapayapaan sa ating bansa at sana’y magpatuloy ang pagratsada ng kanyang career. Wish naman namin kay Angelika na sana’y mabigyan siya ng matinding proyekto na magpapakita ng kanyang talino sa pag-arte. Nanghihinayang kami at hindi na yata matutuloy ang Dakilang Ekstra ni Ed Palmos na intended sa pagsasama nina Nora Aunor at Angelika.

Abala ngayon sa syuting ng Death Row ang aktres na tatampukan ni Eddie Garcia at pang-Metro Manila Film Festival entry ng GMA Films. Personal choice rin siya ng Japanese actor na si Jin Suzuki sa next project niya sa MMG Films International at Total Planning LTD. Co. na isang drama-comedy movie.- EA

vuukle comment

ANGELIKA

DAKILANG EKSTRA

DEATH ROW

ED PALMOS

EDDIE GARCIA

FILMS INTERNATIONAL

JIN SUZUKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with