^

Pang Movies

Nadine tuloy ang paglalantad ng kaseksihan

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Nadine tuloy ang  paglalantad ng kaseksihan
Nadine Lustre

One year exactly pala bilang official na mag-sweethearts sina James Reid at Nadine Lustre sa February 11.

Kaya, puwede ba namang hindi sila mag-celebrate sa petsang iyan?

Parehong beach lovers sina James at Nadine kaya baka sa isang resort daw kasama ng mga kaibigan nila i-celebrate ang okasyon.

Lately, ay napapadalas ang pagpunta sa beach nina James at Nadine. Well, always with friends. This way nga naman, pareho nilang naidi-display ang kanilang well-trimmed body.

Kasalukuyang naglalamyerda sina James at Nadine sa Coron,  Palawan.

Bago ito, namataan din sila sa Tali Beach sa Batangas at sa La Union.

After their well-followed series, Till I Met You, susunod na pagtatambalan ng dalawa ang isang pelikula na ang magpu-produce ay ang kanilang mother studio, ang Viva Films.

Charo sunud-sunod ang nominasyon

Sa March 21 pa pala nakatakdang ganapin ang 11th Asian Films Awards, kunsaan nominado si Charo Santos-Concio, currently ABS-CBN chief content officer, para sa Best Actress for her performance bilang naghihiganting babae sa Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left), sa Hong Kong.

This early, though, hinuhulaang Charo will bring home the bacon, dahil outstanding daw ang kanyang performance kumpara sa mga ilang Best Actress nominee tulad nina Son Ye-Jin ng South Korea, Fan Bingbing (China), Haru Kuroki (Japan) at Kara Hui (Hong Kong).

But if ever Charo wins in the said category, hindi naman ito ang kanyang first, kung sabagay. She already has an Asian Films Award trophy for her performance in Kisapamata in 1981.

Kisapmata was directed by Mike de Leon.

Konting diet pa… Ria papasang kapatid ng Hollywood actress

Napansin ng tabloid editor na si Eugene Asis na may close resemblance sa Hollywood actress na si Lindsay Lohan ang aspiring actress daughter ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde, 23.

“Medyo kailangan nga lang niyang magbawas ng konting timbang pa. At walang dudang star material siya,”  sabi ng isang colleague ni Eugene.

Graduate si Ria ng kursong Comm Arts sa De La Salle University and she has been in showbiz for less than a year.

But she has done a number of showbiz projects na.

Ang latest nga sa mga ito ay ang kasisimulang series na My Dear Heart, kunsaan gaganap siyang anak ni Coney Reyes, na isang top heart surgeon.

Matindi ang pangarap para sa kanya ng kanyang ina (Coney). Kaya, nawindang ang puso nito nang matuklasan siyang nagdagalang-tao.

At ang ama nito ay ang kanyang boyfriend na gagampanan ni Zanjoe Marudo.

“I’m in good company in the series,” ani Ria. “Kaya, advice nga sa akin ni Mommy, dapat ga­lingan ko.”

Directed by Jerome Pobo­can and Jojo Sagun, My Dear Heart, also topbills Bela Padilla, Rio Locsin, Joey Marquez, Eric Quizon, and Robert Arevalo.

Featured ang baguhang child actress na si Nayomi Ramos, na gaganap bilang si Heart.

Sylvia nagka-career kay Coney

Now guess what?

Si Coney pala ang nagbigay ng unang break kay Sylvia sa telebisyon nang i-feature siya nito sa drama anthology na Coney Reyes on Came­ra.

But prior to his TV appearance, may mga ginawa na siyang pelikula with Mother Lily’s film firm, Regal.  Kasabayan niya sina Rochelle Barrameda at Maritoni Fernandez.

But the one who really discovered her for showbiz, according to Sylvia, were Direk Peque Gallaga and Lore Reyes. Ang dalawa ang gumawa ng kaukulang paraan, para makilala siya ni Mother Lily.

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with