^

Pang Movies

Sharon at Susan napaaga ang penitensya

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Panahon na ng penitensiya dahil Holy Week na subalit para sa mga artistang sina Susan Roces at Megastar Sharon Cuneta ay tapos na silang magpenitensya.

More or less kaya nabanggit ito ay dahil sa mga sakri­pisyong nakasagupa ng two screen giants.

Talagang penitensya raw noong mag-taping si Inday Susan ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsiyano sa may bandang Pier sa Manila. Sakripisyo ang inabot niya habang nakikipagbarilan si Coco Martin sa mga kalabang sina Ronnie Lazaro at mga kasamahan nito.

Nakakatulig daw ang putukan lalo’t may blasting ang eksena. Penetensiya ding maituturing ang paglusong nila sa tubigan na may maruming tubig subalit super penitensiya man ang dinanas, masaya si Susan Roces dahil number one sa rating ang Probinsyano.

Mala-penitensiya din ang inabot ni Sharon na sa pag-aakalang gagawa sila ng movie ni Gabby Concepcion sa kondisyong magpapayat siya.

Lahat na yata ng klase ng pampapayat ay gusto niyang subukan pero hindi niya ginawa dahil hindi ito recommended ng doctor.

Maraming imported cho­colates ang hindi niya tinikman dahil baka tumaba siya subalit nakakadismaya na noong handa na si Mega na humarap muli sa kamera ay sari-saring hearsays ang kumalat na hindi raw type ni Gabby ang mga kondis­yones at nagpapadagdag pa ng talent fee hanggang sa puntong ayaw na niyang gawin ito.

May mga nagkomento, bakit daw hindi agad sinabi ng actor na hindi pala siya interesado? Pinatagal pa niya, very ungentleman daw si Gabby!

Sa susunod daw ay sana maging prangka siya.

Amanda nagpapalamig sa Russia

Habang init na init tayo sa summer season ngayon sa atin ay nabalitaan naming patung-patong naman ang jacket at pangginaw ng dating sex goddess na si Amanda Amores dahil nasa Russia siya ngayon kasama ang kanyang pamilya.

Doon sila aabutin ng holy week para makapagbakasyon kasama ng asawang si kapitan Richard Yu at dalawang anak na sina Michelle at Kia.

Dati raw ay napapanood lang ni Amanda ang Russia sa mga pelikula ni James Bond. Ngayon ay nandoon na siya kapiling ng mga Gestapo.

Anong say niyo, Vida Verde, Elsa Enrile at Lampel Cojuangco sa inyong dating kasamahan sa showbiz?  

 

 

vuukle comment

SHARON AT SUSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with