^

Bansa

DOLE kumilos sa Pinay na bibitayin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumilos na ang Department of Labor and Employment (DOLE) para maisalba ang buhay ng isang Pinay na hinatulan ng bitay noong 2014 at hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay pa ng desisyong ilalabas sa Marso 27, 2017 para sa apela na huwag matuloy ang execution.

Nabatid na nasa Abu Dhabi sa United Arab Emirates si Labor Secretary Silvestre Bello III para makipag-usap sa labor ministry na maisalba ang buhay ni Jennifer Dalquez.

Tatalakayin umano ng kalihim sa pakikipagharap sa labor minister ng UAE ang posibleng pag-aalok ng blood money.

Batay aniya sa umiiral na patakaran sa UAE, kapag sumumpa sa Quran (Koran) ang mga anak ng biktima na si Dalquez ang pumatay sa kanilang ama ay tuloy na ang execution.

Ngunit kung hindi aniya sumumpa sa Koran bago ang pagpapalabas ng desisyon ng korte ay maaari nang pag-usapan ang blood money o kaya ay magpalabas ang korte ng desisyon na ibaba na lamang sa life sentence ang parusa.

Ayon sa kalihim, hindi natuloy ang pagpapalabas ng hatol ng korte sa apela  ni Dalquez na mapawalang sala sa kaso at muling itinakda ang petsa ng paglalabas ng desisyon sa apela sa Marso 27.

Noong 2014 pinatawan ng parusang bitay si Dalquez na nanlaban sa kanyang among lalaki matapos ipagtanggol ang sarili na ayon sa kaniya ay tinangka siyang halayin.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with