^

Punto Mo

‘Tanggal bulok’, libreng sakay

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Walang humpay at tuloy-tuloy ang isinasagawang operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at  Inter-Agency  Council on Traffic (I-ACT) sa ilalim ng ‘Tanggal bulok, tanggal usok’ na mga pampublikong sasakyan partikular ang mga jeepney.

Biglaan ang ginagawang operasyon sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila kaya walang lusot ang mata-target ng operasyon.

Kapansin-pansin na sa tuwing may operasyon ramdam ang bahagyang pagluwag ng trapik at ito ay dahil sa hindi pumapasada ang maraming mga pampublikong sasakyan dahil nga sa takot na mahuli.

Kung maayos naman at walang sablay ang pinapasada nilang sasakyan eh bakit sila matatakot, ibig sabihin lang nito, baka maraming makikitang mga paglabag sa kanilang mga sasakyan kaya nila itinatago.

Ang siste naman dito, kinukulang ang mga sasakyan para sa mga commuters na ito naman ang dapat mabigyan ng pansin ng mga kinauukulan.

Bagamat nagpapakalat sila ng libreng sakay madalas na hindi ito nakakasapat.

Eto pa puna ng marami, libreng sakay nga raw ang kanilang ibinibigay, baka naman daw, wag naman nilang sa mga bulok isakay ang mga hinahakot nilang pasahero.

Karamihan kasi sa mga na-iistranded ay mga estudyante, empleyado at mga manggagawa na papasok sa kanilang paaralan at opisina, ang mga kababaihan suot ang kanilang uniporme na madalas naka-palda tapos sasakay sa trak kung saan hirap silang sumampa at malamang na masilipan pa.

May suhestyon pa nga ang ilan na bakit daw hindi na lang simulan ng pamahalaan na iintroduce sa publiko ang mga modernong sasakyan na ipapalit sa mga bulok na PUVs para na rin makita at masubukan na ng publiko. Sila muna ang manguna sa pagkalat nito sa mga lansangan.

Sa ganitong paraan, maikukumpara ng riding public ang kaginahawaan ng mga bago sa luma.

Isang paraan na rin ito para masanay na ang mga pasahero kung talagang seryoso silang ipatupad ang modernization.

Kung maaari nga ito ang ipagamit sa tuwing magkakaroon ng operasyon kahit ba ilang unit lang, kahit pa ‘di libre matugunan lang ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa kakulangan sa masasakyan kasabay nito nasasanay na sila sa mga ipapalit sa mga jeepney na kanilang nakasanayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with