^

Punto Mo

Mga ilang bagay na hindi n’yo alam tungkol kay Steve Jobs DIKLAP

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BUKOD sa pagiging co-founder ng Apple Inc., marami pa kayong hindi alam tungkol sa kanya:

1. Nandaya siya para maunang mabigyan ng organ para sa kanyang kidney transplant. Ang normal procedure ay magrerehistro ka sa ilalim UNOS registration system. Nakapila ang pangalan ng pasyente sa pinakamalapit sa transplant clinic na available sa lugar niya. Sa isang clinic lang dapat magpalista.

Palibhasa ay may sariling jet plane at segurista, nagawa niyang magpalista ng pangalan sa lahat ng transplant clinic sa buong USA. Isang tawag lang sa kanya ng clinic na may available organ, makakasugod kaagad siya kahit pa ito nasa dulo ng Amerika dahil may sarili siyang eroplano.

2. Binigyan niya ng brand new Jaguar ang sariling sekretarya. Madalas itong late sa trabaho dahil laging tumitirik ang sasakyan.

3. May “anonymous party” na nagbenta ng $1.5 million shares of Apple stock noong 1997. Naging dahilan ito ng pagbagsak ng Apple stock price. Nagpasya ang board na patalsikin ang kasalukuyang CEO na si Gil Amelio at ang ipinalit ay si Steve Jobs. Later on, mabibisto nilang si Steve Job ang “anonymous partry”.

4. Kinopya ni Steve Jobs ang dinisenyong desktop computer ng Xerox. Tapos pinagbintangan niya si Bill Gates na ninakaw nito ang design ng desktop computer na ninakaw niya sa Xerox. Pero binisto siya ni Bill Gates na pareho lang silang nangopya sa Xerox.

5. Noong siya ang naging CEO ng Apple, tinanggal niya ang “corporate philanthropy programs” ng kompanya. Tinanggihan niya ang panawagan ni Bill Gates na “Giving Pledge”.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with