^

Punto Mo

Isla Paraiso (144)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ISULAT mo Marikit sa iyong artikulo na dito sa Isla Paraiso ko natagpuan ang aking sarili. Kung hindi pa nalubog ang barko na aking sinasakyan ay hindi ko malalaman na masarap palang mabuhay,” sabi ni Alexis na seryosong-seryoso ang tinig.

“Nasaan po ang mga magulang at kapatid mo, Sir Alexis?’’

“Patay na ang mga magulang ko. May isa akong kapatid sa ibang bansa. Maykaya kami sa buhay. Ang mga magulang ko ay may-ari ng sugar plantation sa Cabuyao at marami kaming hot spring resort sa Los Baños. Kung nakapunta ka na sa Los Baños, yung mga paliguan na malapit sa highway ay sa amin. Pag-aari rin ng mga magulang ko ang mga lupain doon sa paanan ng Mt. Makiling. Pero noon yun. Binenta na ng parents ko dahil wala sa aming dalawang magkapatid ang may hilig sa hot spring at sugarcane plantation. Sabi ng father ko, ibenta na lahat ang ari-arian at paghatian na lang ang pera. Katwiran ng father ko, mas madaling hatiin ang pera kaysa lupa o mga pali­guan. Kaya naghati na nga lang kami ng kapatid ko. Billion of pesos ang halaga ng pinaghatian naming magkapatid.’’

Napamaang si Marikit. Sobra palang yaman ng taong ito. Kaya naman pala tala-gang magpagawa ng condo sa Recto at Morayta.

“Dahil marami akong pera, para bang nagsawa ako sa buhay. Kasi, wala nang challenge. Nag-try akong maghanap ng trabaho. Sabi ko, subukan ko kayang ma-ging empleado. Try ko lang. Pero hindi ako tumagal. Bakit ba ako magpapakahirap e marami namang pera. Ang ginawa ko, nagpagawa na lang ako ng mga condo sa university belt. Mas mada-ling dadami ang pera. Ang pinamahala ko ay ang aking trusted friend na si Atty. Buenviaje. Magkababata at classmate kami noon pa. Lahat nang may kinalaman sa pera ko, siya ang nakakaalam.

Nagrereport lang siya sa akin. Sabi nga niya, hindi raw nababawasan ang pera at nadadagdagan pa dahil nga sa mga condo. Nabenta lahat ang condo unit na sa U-Belt. Tanong ni Attorney sa akin, ano pa raw ang gagawin ko sa aking pera. Hindi ako makasagot. Hindi ko rin alam ang sagot.’’

Nagtanong si Marikit. Noon pa niya ito gustong itanong.

“Mayroon ka bang pa-milya Sir Alexis? Nasaan po ang misis mo? Nasaan po ang mga anak mo?’’

Ngumiti lamang si Sir Alexis.

Naghintay ng sagot si Marikit.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with