^

Punto Mo

Bulalakaw, pinagliwanag ang gabi sa Detroit

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGLIWANAG ang madilim na kalangitan sa Detroit, Michigan kamakailan nang dumaan doon ang isang “shooting star” o bulalakaw.

Napuno tuloy ang social media ng mga litrato at video ng pagbagsak ng bulalakaw na karamihan ay kuha sa dash cam ng sasakyan ng mga nakasaksi sa pambihirang pangyayari.

Bukod sa pagliwanag ng gabi ay nakarinig din ng pagsabog ang mga tao sa lugar. May ilan din na nakaramdam ng mahinang paglindol, na pinaniniwalaang idinulot ng pagbagsak sa lupa ng bulalakaw.

Kinumpirma naman ng National Weather Service o NWS na bulalakaw nga ang nasaksihan ng mga tao. Kahit sa Canada ay umabot ang matinding liwanag na taglay ng meteor.

May naitala namang magnitude 2.0 na pagyanig ang United States Geological Survey sa mga lugar kung saan nakitang dumaan ang bulalakaw.

Inaasahan naman ng National Aerospace Administration (NASA) na dadagsa sa lugar ang mga meteorite hunters o yung mga naghahanap at nangongolekta ng mga piraso ng mga bulalakaw na bumagsak sa lupa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with