Isla Paraiso (136)
HINDI humihinga sina Benhur at Marikit sa ipinagtapat ni Lolo Kandoy. Nasa isang restaurant sila at siniselebreyt ang pag-graduate ni Marikit.
“Magugulat kayong dalawa kung kanino niya ipapama-na ang kanyang mga ari-arian.’’
“Kanino po Lolo?” tanong ni Marikit.
Hindi naman humihinga si Benhur.
“Sa inyong dalawa.’’
“Sa amin po?’’ Hindi makapaniwala si Benhur.
“Oo. Sinabi niya sa akin bago tayo nagtungo rito sa Maynila.’’
“Hindi ka po nagbibiro Lolo?” tanong ni Marikit.
“Hindi. Sabi niya sa akin, nakikita raw niya sa inyong dalawa ang kaseryosohan sa buhay. May mataas daw ka-yong pangarap. At humahanga siya sa mga taong may mataas na pangarap.’’
“Napakabuti niya, Lolo!”
“Oo. Napakabuti niya. Namumukod tangi siya, Marikit.’’
“Di ba nang makita natin siya sa tabingdagat, punumpuno siya ng mga hinanakit sa buhay. Di po ba gusto na raw niyang mamatay?’’
“Oo. Dinalangin nga niya na mamatay na siya. Gusto nga niya na mapasama na sa mga pasaherong kinain ng alon. Pero himala ang nangyari dahil siya lamang ang nabuhay at napadpad sa Isla Paraiso. Mayroon pala siyang gagampanang papel kaya nabuhay at napadpad sa Isla. At tingnan n’yo, siya ang namuno sa atin para labanan ang illegal mining. Siya ang gumawa ng paraan para mapalayas ang mga may masamang tangka. At ngayon nga, gusto niyang magkaroon ng pagbabago sa Isla. Gusto niyang paunlarin ito at nang mapakinabangan nang maraming tao.’’
“Parang siya ang nagligtas sa Isla sa tiyak na kapahamakan, Lolo.’’
“Oo Marikit. At siguro panahon na para isulat mo ang kabayanihan ni Alexis. Nga-yong graduate ka na, maaari mo nang ipagsigawan ang kabai- tan at kadakilaan ni Alexis.’’
“Opo Lolo. ‘Yan ang gagawin ko.’’ (Itutuloy)
- Latest