^

Punto Mo

‘Walang modong DLTB Bus Co. inireklamo ng pasahero’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PALAPIT na nang palapit ang kapaskuhan kaya marami na ang mga nagsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsiya.

T’yak na magsisipunuan na naman ang mga terminal kaya paalala lang mga boss, mag-ingat sa mga bibiyahe ngayon para hindi matulad sa nangyari sa pobreng pasahero ng DLTB Bus Co.

Isang OFW ang nagtungo sa aming tanggapan para magreklamo dahil sa walanghiyang driver at konduktor ng DLTB Bus Co.

Kuwento ni Joel Irlanda, sumakay daw siya sa DLTB bus noong Disyembre 8 pauwi ng Naga City, Camarines Sur dala-dala ang kanyang backpack at maleta.

Kinausap daw siya ng konduktor na kung maari sa compartment na lamang ang dala niyang maleta. Pilit daw itong ipinababa kahit kasya naman sa overhead ng sasakyan.

Sa madaling sabi, ang pobreng pasahero pumayag na lang para walang gulo. Pero sa kasamaang palad nang makarating na sa Naga City, ang kanyang bagahe ay wala na! Jusmiyo! Saan napunta?!

Tinanong daw niya ang konduktor at driver kung nasaan ang kanyang maleta, ang mga kolokoy may gana pang sumagot ng pabalang na “May bagahe ka ba?”. Anak ka ng tokwa!

Ang nawawalang maleta ay may laman na Samsung tablet at wallet na naglalaman ng ATM cards at importanteng mga ID gaya ng emirates at license ID.

Ang pobreng pasahero ay may balak pa naman sanang bumalik sa ibang bansa ngayong buwan pero pati ang passport at airline tickets ay kasama sa maletang nawawala.

Sinubukan naming tawagan ang himpilan ng DLTB Bus Co. pero ang manager na si Laurence kumag este Laurence Bautista na wala raw kinikilala kahit sino ay hindi sumasagot.

Hoy! Magpakita ka kolokoy! Wag ka ng magtago sa saya ng asawa mo dahil hangga’t hindi ka nagpapakita bubwisitin ka namin!

Kaya naman ay humingi kami ng tulong sa Head, Public Assistance ng LTFRB na si Ryan Salvador upang masulusyonan agad ang problema sa balasuBUS na kompanya at agarang aksyon naman ang aming nakuha.

Sa mga putok sa buhong kompanya ng bus d’yan hanggat hawak kayo ng LTFRB wag magsiga-sigaan dahil hawak nila ang inyong prankisa.

At tips mga boss lalo na sa mga bibiyahe, maglagay kayo ng pangalan, address at contact number sa inyong mga bagahe kung sakali mang mawala at sa magandang loob mapunta ay maibabalik agad.

Bisitahin lamang ang aming official YouTube Channel na Bitag Official at ‘wag kalimutan na mag-subscribe para updated sa aming fresh uploads na videos para lamang sa inyo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with