^

Punto Mo

Isla Paraiso (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

EXCITED si Benhur sa muling pagkikita nila ni Marikit. Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang magkita sila. Sa iisang condo sila tumira at asikasung-asikaso siya ni Marikit. Sa pagkaalam niya ay graduating na si Marikit sa Journalism.

Napabuntunghininga si Benhur. Sana ay tapos na rin siya sa pag-aaral kung hindi napahinto. Pero maari pa rin naman siyang magpatuloy. Hihingi siya ng tulong kay Sir Alexis para makapag-aral muli.

Para naman hindi siya kahiya-hiya kay Marikit.

Kumusta na kaya si Marikit? Ano na kaya ang itsura niya? Siguro lalo nang ang ganda niya!

Napangiti si Benhur habang inaalala niya si Marikit.

Exited na talaga siya na makitang muli si Marikit.

Naalala niya ang sulat ni Sir Alexis na ibibigay kay Marikit. Ano kaya ang sulat na iyon?

NANG mga sandaling iyon naman ay nag-iisip ng paraan si Marikit kung paano ipaaalam kina Sir Alexis na may utos ang Presidente ng bansa na itigil na ang pagmimina. Ang lahat nang lalabag ay aarestuhin at sasampahan ng kaso.

Pero wala siyang maisip na paraan kung paano makikipag-communicate kina Sir Alexis.

Hanggang sa mai­dalangin niya na sana’y papuntahing muli ni Sir Alexis dito sa May- nila si Benhur.

Ewan ba niya kung bakit gusto niyang makita si Benhur. Basta maligaya siya kapag kausap ito.

Sana, dumating si Benhur! (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with