^

Punto Mo

Pinakamalaking sabayang pag-iihaw sa mundo, isinagawa sa Uruguay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MALIIT na siyudad lamang ang Minas sa Uruguay ngunit doon idinaos ang pinakamalaking sabayang pag-iihaw sa mundo, ayon sa Guinness World Records.

Ang world record attempt ay nilahukan ng 200 cooks, na gumamit ng 60 toneladang panggatong  na kahoy upang ihawin ang 16.5 tonelada na karne ng baka sa loob ng 14 na oras.

Pagkatapos ihawin ay tinimbang muli ang karne, na bagama’t pumalo na lang sa 10.36 tonelada ang bigat ay higit pa rin sa dating record na 9.16 tonelada ng karne na inihaw ng mga taga-Argentina.

Layon ng mga taga-Uruguay na mabawi ang world record mula sa Argentina, na naagaw ang titulo mula sa Uruguay noong 2011.

Madalas magpagalingan ang Uruguay at Argentina, na dalawa sa pinakamalalaking exporter ng karne ng baka sa buong mundo. Sa sobrang dami ng mga baka sa Uruguay ay tinatayang mas marami pa ang mga ito sa mga Uruguayano.

Sa tindi ng kompetisyon sa pagitan ng dalawang bansa pagdating sa karne ng baka ay nagtapat ang mga nag-iihaw  na wala raw talagang pakialam ang Uruguay sa world record dahil ang tanging hangad lang nila ay matalo ang mga taga-Argentina.

Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng pinakamalaking pag-iihaw sa mundo ay ibinenta naman sa publiko ang mga barbecue na karne ng baka sa halagang $5 (katumbas ng P250) kada piraso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with