^

Punto Mo

Sanggol sa California, ipinanganak sa birthday ng kanyang ina, lolo, at lola sa tuhod

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAPAKA-ESPESYAL ng petsang Agosto 13 para sa pamilya Peeler ng Orange County, California.

Ang araw kasing iyon ang birthday ni Sarah Peeler, ng kanyang ama, at ng kanyang lola.

Kaya naman hindi mapigilan ni Sarah ang matawa nang malaman niyang sa petsang ring iyon siya nakatakdang ma-nganak.

Noon daw niya talaga  napatunayang nakatadhana ang mga miyembro ng kanyang pamilya na ipanganak ng Agosto 13.

Hindi sinasadya ng mga Peeler ang pagkakapare-pareho ng kanilang mga kaarawan dahil wala ni isa man sa kanila ang ipinanganak sa pamamagitan ng caesarian section o induced labor.

Noong una ay wala pa ngang kasiguraduhan kung mismong sa Agosto 13 nga lalabas ang sanggol dahil Agosto 10 pa lang ay may posibilidad na raw manganak si Sarah, ayon sa kanyang mga doktor.

Sa huli ay sumakto pa rin sa Agosto 13 Ang pagluwal sa batang sanggol na pinangalanan nilang Lori.

Sinasabing ang mga Peeler ang pamilyang may pinakamadaming henerasyon na may magkakaparehong birthday sa buong mundo. Dahil kay Lori ay apat na henerasyon na ng mga Peelers ang ipinanganak ng Agosto 13.

Pabiro namang sinabi ni Sarah na inaasahan ng kanilang buong angkan na itutuloy ni Lori ang tradisyon ng panga-nganak ng Agosto 13.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with