^

Punto Mo

Ang Lumang Litrato ng Babae sa Piano (Part 3)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOON ay malalim na ang gabi at nagpapaantok siya. Ang pagkaantok niya ay nasa level ng tulog na pero hindi ganoon kalalim dahil ang kalahati ng utak ay gising. Iyon bang humihilik siya pero naririnig niya ang sariling hilik. Maya-maya ay nagulantang siya. May nagsalita sa kanan niyang tenga: Hello, ako si Cristina!

Sweet ang tinig. Pero sobrang ikinagulantang niya. Nakalimutan niyang madilim ang kanyang kuwarto kaya pagbangon niya para tumakbo palabas ng kuwarto ay nagkandahulog siya sa kama. Gumulong-gulong muna siya sa sahig saka tuluyang tumakbo palabas habang sumisigaw ng: MAY MULTO SA KUWARTO KO!!!!!

Nagkataong ang mga kapatid niya at magulang ay nasa salas at nanonood ng TV.

“Mommy, may bumulong sa akin. Ang sabi: Hello, ako si Cristina!”

Nagtakbuhan ang mag-anak sa kuwarto. Binuksan ang ilaw. Anong gulat nila nang ang tumambad sa kanilang paningin ay nakalutang na lamp shade! Para itong may isip na bigla na lang bumagsak sa sahig nang sabay-sabay na nagsigawan ang mag-anak. Parang ito pa ang nagulat sa sigawan ng mag-anak.

Nagpasya ang mag-anak na sa isang kuwarto na lang matulog nang sama-sama nang gabing iyon. Kinabukasan ay nagpunta sa simbahan ang ina ni Joey at ikinonsulta sa pari kung ano ang dapat gawin sa hiwagang nangyari ng nagdaang gabi. Pinuntahan ng pari ang kanilang bahay at binendisyunan ito. Lumipas ang ilang buwan, mukhang naging epektib ang bendisyon ng pari dahil wala na silang maramdamang kakaiba sa paligid ng bahay. Hanggang isang gabi ay nanaginip si Joey. Ganito ang takbo ng usapan at eksena sa panaginip:

May babaeng tumutugtog ng piano sa kanilang salas. Maganda ang mukha nito kaya titig na titig siya. Nang natapos ang pagpipiyano. Ang babae ay nakangiting lumapit sa kanya:

“Hello, ako si Cristina.” Kinamayan nito si Joey.

Nag-isip si Joey. Cristina…Cristina…Cristina…kailan at saan ko narinig ang pangalang ito???

“Ikaw ang bumulong sa aking tenga?” naguguluhang tanong ni Joey

“Oo, ako nga. Huwag kang matakot. Wala akong masamang intensiyon. Gusto kong maging kaibigan ka. ”

“Pinabendisyon na namin ang aming bahay. Bakit narito ka pa?”

Napahagikhik si Cristina.

“Demonyo lang ang takot sa holy water. E, hindi naman ako devil. May devil bang ganito kaganda?”

At sabay silang nagtawa. The end ng panaginip.

Kinabukasan ay may kakaibang sigla na naramdaman si Joey. Parang gusto niya ulit gumabi para mapanaginipan muli ang magandang mukha ni Cristina. Samantala, dumating ang Daddy ni Joey mula sa pakikipagkuwentuhan sa matandang kapitbahay. May nalaman ito tungkol sa history ng bahay na tinitirhan nila. Si Cristina ay pamangkin ng matatandang dalaga na may-ari ng bahay. May sundalong boyfriend ito ngunit namatay sa labanan sa Mindanao. Pagkaraan ng limang buwan ay namatay si Cristina dulot ng sobrang kalungkutan sa pagkawala ng boyfriend. (Itutuloy)

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with