^

Punto Mo

Congrats Sir Apol, bagong PNP chief!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS kay Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario matapos mapangalanan ni Pres. Digong na papalit kay Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa. Noong una, puro ugong lang ang maririnig sa usap-usapan na si Apol ang papalit kay Bato subalit kahapon nagsalita na si Digong. Sa isang briefing na dinaluhan ng mga heneral ng PNP at AFP kung saan ibinalik ang porma ng pulisya sa war vs illegal drugs, sinabi ni Digong na si Apol na ang susunod na PNP chief. May nakapagsabi na baka nagbibiro lang si Digong subalit hindi naman mga bata ang mga heneral ng PNP at AFP para hindi nila maarok kung nagbibiro nga ang Presidente na palagi niyang ginagawa, di ba mga kosa? Kaya kumalat kaagad sa Camp Crame at sa iba pang headquarters ng PNP ang balita na si Apol nga ang magiging PNP chief matapos magretiro si Bato sa Enero 21, ang kanyang 56th birthday! Hak hak hak! Marami ang umiyak nang ianunsiyo ni Digong na si Apol na ang susunod sa yapak ni Bato. Tumpak!

Sa pag-akyat ni Apol sa trono ng PNP, siyempre automatic na ang papalit sa kanya bilang Deputy Chief for Administration (DCA) ay si Dep. Dir. Gen. Fernando Mendez, na papalitan naman ni Dep. Dir. Gen. Archie Gamboa bilang Deputy Chief for Operations o DCO. Ang puwesto naman ni Gamboa na The Chief Directorial Staff (TCDS) o No. 4 sa PNP ang mabakante. Itong TCDS mga kosa ay tinatawag sa Camp Crame na bastonero at s’yang gigiya kay Apol sa day-to-day activities ng PNP kaya’t ang dapat maupo rito ay malapit sa PNP chief. Siyempre, ang pipiliin ni Apol ay kaklase niya sa PMA Class ’85, di ba mga kosa? Kapag TCDS ka mga kosa, magiging tatlo na ang estrelya mo at may say ka pa sa paghirang ng regional, provincial at city directors. Hehehe! Masyadong powerful din pala ang TCDS, di ba mga kosa? Ang ugong sa Camp Crame, ang may malaking tsansa na maging TCDS ay ang klasmeyt ni Apol na si Chief Supt. Erickson Velasquez, ang deputy chief of Directorate for Police and Community Relations (DPCR) dahil abogado siya. Siyempre, kandidato rin ang isa pa nilang klasmet na si Dir. Gregorio Pimentel, ang hepe ng Directorate for Intelligence (DI), na nag-aambisyon ding maging PNP chief. Sa tingin ng mga kosa ko, magandang tafe-off point ang TCDS para sa ambisyon ni Pimentel na maging PNP chief pagkaretiro ni Apol, di ba mga kosa? Hak hak hak! May the best man win dahil parehas lang naman na qualified itong sina Velasquez at Pimentel! Tumpak!

Hindi naman siguro magiging lameduck PNP chief si Bato dahil sa maagang pag-anunsiyo ni Digong na papalitan siya ni Apol. Kasi nga, may mahigit pang isang buwan si Bato para pangunahan ang panibagong kampanya ni Digong laban sa droga. Habang hindi pa nakaupo si Apol, na kay Bato pa rin nakaatang ang trabaho na mag-appoint ng mga police official sa mababakanteng puwesto. Sina Dir. Augusto Marquez, ang hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ay magreretiro sa Enero 16, samantalang si Chief Supt. Charlo Collado, ng PRO1 ay sa Dec. 16 naman.. Ngayon mga kosa, sino ang mga manok n’yo para maupo sa DIDM at PRO1? May say pa kaya si Bato para mapuno ang dalawang puwesto o si Apol na ang mag-desisyon? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa tingin naman ng mga kausap ko, dahil sa pag-anunsiyo ni Digong na si Apol na ang PNP chief sa Enero, ang opisina n’ya sa DCA ay magiging puno palagi ng police officials na gustong makuha ang basbas niya para makapuwesto. Hindi lang ‘yan! Ang mga police officials na hindi naman n’ya nakikita noon pa ay dudumugin din siya at sasabihing magkamag-anak sila. Ganyan lang talaga ang buhay. Kapag nasa puwesto ka, kilala ka nila subalit kapag wala ka na aba may sakit na limot din sila. Tanungin mo Gen. Apol Sir ang mga naunang nagretiro na PNP chief at ‘yan lahat ay naranasan nila. Kaya ingat lang Sir Apol. Iwas-iwas lang sa mga impostor at mga makakapal ang mukha na police officials. Abangan!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with