^

Punto Mo

Ang Babaing Laging Nakapula (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Base sa kuwento ni Nika ng Quezon City.)

LUMALA na ang Azheimer’s disease ni Tatay. Tuwing darating si Nanay mula sa pag-aasikaso niya ng aming grocery ay sinisita niya ito.

“Sino ka? Bakit tuluy-tuloy ka sa pagpasok sa bahay ko? Hindi ka man lang kumakatok!”

“Ako si Lily, misis mo.”

Napatigil si Tatay. Tumingin sa malayo. Tapos inilipat ang tingin sa babaeng kaharap niya.

“Misis ko? Paano nangyari ‘yun? Binata pa ako. May dalaga akong pakakasalan. Siya ‘yung babaeng totoong minamahal ko.”

Ako’y nasa salas noon at nagwawalis. Natigilan si Nanay. Halatang hinihintay niya ang susunod na sasabihin ni Tatay. Pero huminto na ito sa pagsasalita. Malungkot na nagtanong si Nanay.

“May babae kang minahal bukod sa akin?”

Hindi agad sumagot si Tatay. Tinitigan niya ang babaeng nagtatanong sa kanya.

“Iisang babae lang ang minamahal ko at gustong pakasalan. Siya si…si…”

“Sino?”

Pabulong ang pagkakasabi sa kanyang sarili. “Lintik na pangalan…hindi ko maalaala!”

Tapos nilakasan ang boses. Nagkuwento siya sa babaeng nakalimutang misis niya.

“Siya ang babaeng naging kapitbahay ko. Maganda ang boses niya. Siya ‘yung babaeng laging nakapulang damit at nakapulang lipstick tuwing sumasali sa singing contest.”

Umaliwalas ang mukha ni Nanay. Alam na niya kung sino ang babaeng tunay na minamahal ni Tatay at nais pakasalan.

 “Inay, sino po ang babaeng iyon?”, tanong ko.

“Ako!” sabay yakap kay Tatay

Habang yakap ni Nanay ang aking Tatay, nasambit nito, “Ako pa rin ang laman ng kanyang puso with or without his memory.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with