^

Punto Mo

Lalaki sa florida, ibinangga ang sasakyan para lang mapatunayan na hindi ligtas ang lansangan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IBINANGGA ng isang  lalaki sa Florida ang kanyang sasakyan para lamang mapatunayan sa mga kinauukulan na hindi ligtas ang lansangan sa kanilang lugar para sa mga motorista.

Sinadyang ibangga ng 61 anyos na si Bruce John Homer ang kanyang truck sa isang SUV upang maipakita sa mga pulis na takaw sa aksidente ang busy intersection sa kanilang lugar.

Hindi raw kasi ipinatutupad ang mga batas trapiko sa nasabing intersection kaya minabuti niyang ipakita sa lahat kung gaano kapeligro ang daan para sa mga motorista na bumabagtas dito.

Ayon sa driver ng nabanggang SUV ay patawid daw ang kanyang sasakyan ng intersection nang bigla na lang daw lumitaw ang truck ni Homer sa harapan ng kanyang sasakyan.

Pagkabangga ay bumaba si Homer sa kanyang truck at sinabihan ang driver ng SUV na binangga niya ito dahil hindi raw nito sinunod ang “STOP” sign. Nagkomento pa si Homer na wala raw gagawin na solusyon ang mga kinauukulan sa peligrosong intersection hangga’t walang namamatay sa aksidente. Mapalad namang walang nasaktan mula sa nangyaring banggaan.

Inako naman ni Homer ang responsibilidad sa pangyayari ayon sa mga pulis. Napag-alamang kamuntikan na siyang maaksidente kasama ang kanyang asawa sa mismong intersection ilang linggo lang ang nakakaraan at sinasabing iyon ang nagtulak kay Homer upang isagawa ang planadong  pagbangga.

Nagpiyansa si Homer ng $20,500 (katumbas ng humigit-kumulang P1 milyon) matapos siyang sampahan ng patong-patong na kaso dahil sa kanyang ginawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with