^

Punto Mo

PNP babalik sa drug war!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Desidido si Pangulong Digong na ibalik ang Philippine National Police (PNP) sa giyera laban sa ilegal na droga.

Mistulang hindi ito kumbinsido na kakayanin ng PDEA ang solong paglaban dito.

Inaalala ng Pangulo ang muling pamamayagpag ng sindikato ng droga at pagkalat nito sa sulok-sulok ng bansa.

May kinalaman din ito, sa sunud-sunod na insidente na naman ng mga drug related crimes.

Sa puntong ito, aminado naman, maging ang PDEA na hindi nila kakayaning mag-isa ang paglaban sa ilegal na droga at kailangan nila ang tulong ng iba pang law enforcement agency.

Ito ay dahil  sa bukod sa kulang na sila sa manpower, kulang pa sila sa mga kagamitan at pondo na tutustos sa mga operasyon.

Anumang araw simula ngayon, ay posibleng ianunsyo na ng Pangulo ang pagbabalik ng PNP sa drug operations.

Sa panig naman ng PNP, nakahanda na rin naman sila sa muling pagsabak sa giyera laban sa ilegal drugs.

May mga paghahanda na rin silang ginawa ukol dito, may mga plano ng rebisyon na hindi muna nila ibinunyag.

Higit sa lahat sinasabing, iiwasan na nilang malagay sa alanganin sa mga isasagawang operasyon.

Inalis sa PNP ang drug war, matapos masangkot ang ilang tauhan sa mga hindi kaaya-ayang aktibidades, kabilang nga rito ang pagkapatay sa mga menor de edad na idinadawit sa droga.

Timing nga ba ito, dahil napagtuunan na rin umano ng ahensya ng panahon ang kanilang internal cleansing laban sa mga pasaway na tauhan.

Katunayan nito, nasa 58 pulis ang inirerekomenda na ng PNP_IAS (Internal Affairs Service) na masibak na sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ibat-ibang matitinding kaso katulad ng droga, extortion at iba pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with