^

Punto Mo

EDITORYAL - Magparehistro para makaboto sa bgy elections

Pang-masa
EDITORYAL - Magparehistro para makaboto sa bgy elections

HANGGANG Nobyembre 30, 2017 lamang ang pagpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na idaraos sa Mayo 2018. Nagpapaalala ang Commission on Elections (Comelec) na magparehistro na ang mga bagong botante at huwag nang hintayin na kung kailan deadline saka dadagsa sa mga Comelec office para magparehistro.

Bago ang bakasyon noong ASEAN Summit nagpalala ang Comelec na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga magpaparehistro. Huwag daw sayangin ang isang linggong bakasyon. Pero wala rin umanong nagparehistro sa kabila na mahaba ang bakasyon.

Ipinaalala ng Comelec na hindi umano sila magbibigay ng extension. Ang Barangay at SK elections ay dalawang beses nang ipinagpaliban ni Pres. Rodrigo Duterte dahil sa pangambang gagamitin sa kam­panya ang drug money. Halos 80 percent ng barangay sa buong bansa ay drug-infested. Sabi ng Comelec, maaaring hindi na maipagpaliban muli ang election sa susunod na taon. Tuloy na tuloy na ito kaya kailangang makapagparehistro ang mga kuwalipikadong botante.

Nakaugalian na ng karamihan na kung kailan deadline saka magdadagsaan para magparehistro. Kahit pa paulit-ulit ang paalala na magparehistro nang maaga, marami pa rin ang nagkukumahog at nakikipagsiksikan sa huling araw na itinakda. Pinahihirapan ang sarili gayung maaari namang gawin nang mas maaga.

Ilang taon na ang nakararaan, nagkaroon din ng registration para sa mga bagong botante. Hindi nagkulang ang Comelec sa pagpapaalala na magparehistro nang maaga para hindi magsiksikan pero hindi rin nasunod at sa huling araw din nagkumahog sa pagpaparehistro.

Isang pangyayari na habang nagsisiksikan ang marami sa pagpaparehistro sa isang Comelec office sa Maynila, bumigay ang sahig na kinaroroonan ng mga nagpaparehistro at marami ang nasaktan. Hindi umano nakaya ang dami ng mga dumagsa para magpatala. Dahil sa pangyayari isinara nang maaga ang tanggapan.

Huwag nang hayaang maulit ang ganitong pangyayari na kung kailan huling araw saka susugod at makikipagsiksikan. Habang may panahon pa, magparehistro na para makaboto sa susunod na taon. Huwag sayangin ang karapatang makaboto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with