^

Punto Mo

Isla Paraiso (82)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mga sandaling iyon ay naiinis na si Jumbo dahil sa hindi pagdating ni Bart. Ilang araw na ang nakalilipas mula nang umalis si Bart pero hindi pa nagbabalik.

Malakas ang kutob ni Jumbo na nahuli rin ito katulad nina Big Boy at Paquito.

Walang pinagkaiba ang utak ni Bart sa utak nina Big Boy. Mga abo ang laman ng utak.

Pero naging malikot ang imahinasyon ni Jumbo, maaaring nag-defect na ang gagong si Bart. Maaaring na-brainwashed ito at sa kalaban na maglilingkod.

Gigil na gigil si Jumbo. Marami na rin ang mga tauhan niyang nadadakma ng kalaban.

Pinulong niya ang mga natitira pang tauhan.

“Malakas ang kutob ko na na-brainwashed si Bart kaya hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Sino sa inyo ang gusto pang sumubok na magtungo roon para hamunin ang mga kalaban. Magbibigay ako nang malaking halaga.’’

Isa ang nangahas magsalita.

“Anong gagawin dun, Jumbo?’’

“Kahit makapatay man lang ng isang tauhan maski ang leader nila. Malaking halaga ang ibibigay ko. Kailangan lang magdala ng katibayan na nakapatay siya ng kalaban.’’

“Kahit anong katibayan, Jumbo?’’

“Oo. Gusto mo, ulo ang dalhin mo.’’

Napatangu-tango ang lalaki.

“O sino pa ang may gustong makipagsapalaran? Malaki ang ibabayad  ko.”

Isang lalaking matipu­no ang sumagot. Si Hunyango

“Ako! Kaya kong labanan ang mga kalaban. Magdadala ako  ng katiba-yan na may napatay ako.’’
“Anong katibayan yun?’’

“Ulo!’’

Napangisi si Jumbo. Mukhang matapang ang tauhan niya. Mukhang mas tigasin.

“Sige, kung kaya mo, maghanda ka na. Mas maganda kung ulo ng lider ang makukuha mo Hunyango.’’

“Gagawin ko Bossing Jumbo.’’

“Sige.’’

Napangiti si Jumbo. Mukhang makukuha ni Hunyango ang gusto niya. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with