^

Punto Mo

Kung nasa denial stage pa ng pagiging diabetic

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

(Last Part)

HABANG nagkakaedad tayo, mas tumataas din ang panganib nang pagkakaroon ng kumplikasyong dala ng diabetes.

Hindi po ako nananakot, pero ang paboritong bahagi ng katawan na gustong sirain ng diabetes ay ang ating mga mata at kidney kaya marami ang nabubulag at nangangailangan ng dialysis at kalaunan, kidney transplant.

Maaaring marami sa inyo ay ngayon pa lang na-diagnose na may diabetes. Huwag mawalan ng pag-asa. Kung hangga’t maaga ay kinontrol na ang inyong blood sugar level, makasisiguro kayong maliit lamang ang panganib na magkaroon kayo ng matinding kumplikasyon.

Iyan ang magandang balita. Bawat hakbang tungo sa pagkakaroon ng normal na blood sugar level ay  magdudulot ng magandang pakinabang sa ating pangkabuuang kalusugan.

Kasabay nang pagpapasuri ng fasting blood sugar ay ang pag-alam sa level ng tinatawag na glycosylated hemoglobin o hbA1c kada ikatlong buwan. Nalalaman kasi ng test na ito ang totoong kalagayan ng ating blood sugar sa nagdaang tatlong buwan. Huwag panghinayang sumuong dito kada ikatlong buwan. Sinasabing less than 7 dapat ang lumabas na resulta ng level ng inyong hbA1c para masabing kontrolado nga ang inyong diabetes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with