^

Punto Mo

Color games-patay, talamak sa Pasay!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

IPINAGBAWAL na ni Pasay City Mayor Tony Calixto ang delanterang sakla-patay sa kanyang siyudad. Sa biglang tingin, hero ang dating ni Mayor Calixto subalit basahin n’yo muna ito ng buo bago n’yo s’ya husgahan. Kasi nga ang akala ng mga kosa ko ay nais nang walisin ni Mayor Calixto ang taguri na “Sin City” ang Pasay dahil sa naglilipanang pasugalan, beerhouse at putahan. Mali pala sila! Kasi nga mga kosa, ang bawal lang sa Pasay ay ang delanterang sakla-patay at ang mga nasa loob ng bahay ay puwede naman. At hindi lang ‘yan! Bawal nga ang sakla-patay eh pinalitan din naman ng color games-patay. Yes, mga kosa! Wala nang sakla-patay sa Pasay subalit umusbong naman ang color games-patay na sugal kung saan ang mananaya ay ginigisa ng financiers sa sariling nilang mantika. Get’s mo NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde Sir? Siyempre, ang financiers ng color games-patay na si Tatang ay bagyo tiyak kay Mayor Calixto dahil hamakin mo ipinasara ang sakla-patay na kinagiliwan ng mga mananaya para pagbigyan ang ilegal niyang negosyo. At ang maganda diyan, nakatimbre si Tatang sa lahat ng operating unit ng PNP, kasama na rito ang hepe ng pulisya, PCP at barangay chairman. Hak hak hak! Kumpleto-rekado ang timbre ni Tatang at sino pa ang mangahas na humuli sa ilegal n’yang color games? Tumpak!

Sa totoo lang mga kosa, may sumubok na maglatag ng sakla-patay sa Malibay kamakailan subalit sa kasamaang palad, hinuli ito ng lokal na pulisya dahil nga bawal daw sabi ni Mayor Calixto. Sori na lang kay Rom, ang nagpapatakbo ng sakla-patay at inabot siya ng delubyo ni mayor. Kaya sa ngayon, wala nang sagabal sa negosyo na color games-patay ni Tatang. Ang mga puwesto ni Tatang sa Pasay, ayon sa mga kosa ko ay matatagpuan sa mga kalye ng Macopa, Sto. Niño, Mulawin, Don Carlos, Pilapil, Maginhawa, Humildad, Estrella, Cabrera, sa Dapitan sa likod mismo ng eskuwelahan, sa West Maricaban, Malibay, at sa Tolentino. Kung wala nang color games-patay sa nabanggit kong lugar, tiyak nailibing na ang patay, anang mga kosa ko. Hehehe! Ayon sa mga kosa ko, tumataginting na P1,000 kada puwesto ng color games-patay ang timbre sa PCP at mga chairman. Eh kung isang linggong tumatakbo itong color games-patay eh di tumataginting ding P7,000 ang para sa chairman ng barangay at PCP commander, di ba mga kosa? Hak hak hak! Walang kahirap-hirap ang pitsa para sa mga PCP commander at chairman, no mga kosa? Teka nga pala! Ano itong umuugong ba balita na pati si Mayor Calixto ay nakikinabang sa color games-patay mismo sa katauhan ng kanyang umanong pamangkin na si Prince? Ano ba ‘yan! 

Dahil sa nasulot ng color games-patay ang sakla patay, nawala na ang plano ni Freddie Cuneta na makabalik sa dating mga puwesto niya sa Pasay. Dati-rati kasi ang sakla patay sa Pasay ay si Freddie Cuneta ang bangka. So goodbye na lang kay Cuneta. Subalit nakabawi naman si Cuneta dahil kung nawalis ang negosyo niya sa Pasay, aba naka-puwesto naman siya sa lugar ni Las Piñas City Mayor Nene Aguilar. Ang mga puwesto ng sakla-patay ni Freddie Cuneta sa Las Piñas ay sa barangays Manuyo, Daniel F. Ilaya at sa Aldana. Hehehe! Gen. Albayalde Sir pakisara nga itong mga sakla-patay ni Cuneta sa Las Piñas! Boom Panes! Hak hak hak! Mamalasin tiyak si Cuneta kay Albayalde.

Kaya naman pumayag ang hepe ng pulisya ng Pasay sa color games-patay ay dahil tumaas ng P12,000 weekly ang take home niya. Hehehe! Habang patuloy na tumatakbo sng color games-patay, video karera, bookies ng karera, lotteng, ending, EZ2, Suertres at iba pang sugal sa Pasay ang naiwang umiiyak ay sng Happy Cool dahil sa hindi tumataas ang ingreso nila sa small-town lottery operations nila, di ba boss Bong Jose? At dahil everybody happy sa color games-patay ni Tatang, maganda ang X-mas party ng kapulisan, barangay chairman at siyempre ng opis ni Mayor Calixto, di ba mga kosa? Boom Panes! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with