^

Punto Mo

Seguridad sa ASEAN, higit 50 percent nang tagumpay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Huling araw na ngayon ng ASEAN Summit sa bansa.

Kahapon  pa lamang ay isa-isa na ring nag-aalisan ang mga world leaders  kabilang nga si US Pres. Donald Trump at mga delegates at iba pang VIPs na dumalo sa summit.

Sa araw na ito asahan na rin ang pagsasara ng ASEAN lane sa EDSA  partikular ang pa-northbound sa tuluyang pag-aalisan ng mga dumalo sa summit.

Pero malamang na kahit isara ito sa motorista ay posibleng hindi naman gaanong maramdaman ang pagsisikip ng trapiko gaya nang dinanas noong nakaraang Sabado.

Holiday pa rin kasi hanggang ngayong araw kaya malaking volume ng mga sasakyan ang wala sa mga lansangan.

Sa nakalipas nang mga  araw na pagbibigay seguridad sa mga world leader at delagates sa ASEAN, masasabing tagumpay ang pulisya partikular  ang ASEAN Task Force  2017 na pinangunahan ni NCRPO director Oscar Albayalde.

Hindi biro ang pagbibigay seguridad sa mga bisitang world leaders, delegates at VIPs,  pangalan ng bansa ang nakataya rito. Kaya naman dapat din nating  bigyang pugay dito ang ating kapulisan.

Ilang araw din ang mga yan sa lansangan, para lamang matiyak ang seguridad sa isa sa pinakamalaki at mahalagang okasyon na isinagawa sa bansa.

Mukhang ang itinuring lang na ang pinakamalaking security problem sa isinagawang summit ay ang mga isinagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo.

Bagamat nagkasakitan, nakontrol pa rin ito ng mga awtoridad.

Gayunman, hindi pa rin dapat maging kampante at masasabi lamang na 100 porsiyentong tagumpay ang pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa, kapag ligtas nang nakaalis lahat ang ating mga naging prominenteng bisita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with