^

Punto Mo

Isla Paraiso (75)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat na napasigaw si Bart nang makita ang tatlong ahas na sumisingasing. Itinaas ng mga kobra ang kanilang ulo para tuklawin si Bart. Ganunman, hindi na delikadong makakagat ang mga ahas dahil inalis na ni Lolo Kandoy ang kamandag ng mga ito.

“Ahaassss! Ahaaassss! Ahhhhhh!’’

Malakas ang pagkakasigaw ni Bart. Putlang-putla. Hindi naman makatakbo dahil parang na-freeze siya. Nanigas ang mga binti sa sob­rang takot. Sa sobrang takot ay nabitiwan ang granada. Mabuti at naka-safe ang pin ng granada. Gumulong ang granada patungo sa mga ahas kaya lalong nabulabog at sumingasing.

Ang pangyayaring iyon ay nasaksihan  nina Lolo Kandoy, Alexis at Benhur. Halos mamatay sa katatawa ang tatlo.

“Akala ko e matapang ang kumag na ito, ahas lang pala ang katapat, ha-ha-ha!’’

“Akala ko rin, Lolo. Muk­ha siyang sanggano pero takot pala sa ahas. Nawala ang pagka-goons, he-he-he!”

“Putlang-putla, ha-ha-ha!’’

Hanggang sa makita nila na unti-unti nang nakakagalaw si Bart at nagbabalak tumakas. Nakakabawi na sa pagka-shock.

“Oops mukhang tatakas!’’

“Hulihin na natin at baka matakasan pa tayo.’’

Nilapitan nila si Bart.

Nang makita sila ay akmang tatakbo.

“Ooppps saan ka pupunta?’’ Sabi ni Benhur. “Gusto mong matuklaw ng kobra?’’

“Huwag! Huwag! Hindi ako lalaban!’’ sabi ni Bart.

“Anong pakay mo rito? Anong ginagawa mo rito?’’

“Inutusan po ako ni Jumbo na i-rescue sina Big Boy at iba pa. Gusto ko pong magpasikat kay Jumbo kaya ako ang nagpresenta na magre-rescue. Pero hindi ko pala kaya. Patawarin n’yo ako!’’

“Di ba gusto mong magpasikat kay Jumbo? Puwes ito na ang pagkakataon mo,’’ sabi ni Alexis.

“Ano po ang ibig mong sabihin?’’

“Pababalikin ka na namin sa hideout n’yo.’’

“Talaga po? Sigo aaalis na ako.’’

“Teka hindi pa ako tapos. Kailangan ay may pasalubong ka kay Jumbo.’’

Napamaang si Bart.

“Ano pong pasalubong?”

“Mga ahas! Pasasalu­bungan mo ng ahas si Jumbo!”

“Huwag po! Huwag po! Hindi na ako babalik kay Jumbo.”

“Ayaw mo e sige e di ikukulong ka na lang namin.’’

“Ikulong n’yo na lang ako! Ikulong n’yo na lang ako!”

“Sige ikukulong ka namin pero may kasama kang ahas sa kulungan.”

Namutla si Bart.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with