^

Punto Mo

Mga iskul, pinapasok ng drug sydicates!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi ang natuklasan kamakailan ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcemen Agency (PDEA) na bagong modus ng sindikato ng droga.

Mistulang pinapasok ngayon ng mga ito ang mga kolehiyo at unibersidad at ang target na biktimahin ay mga estudyante.

May ilan na sinasabing nag-eenrol pa sa mga kilalang mga paaralan at unibersidad sa bansa para lamang makapasok at dito makapagbenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga mag-aaral.

Target ngayon ng kanilang market  ang mga estudyante dahil mabilis umano ang bentahan mismo sa loob ng mga paaralan na hindi agad namo-monitor ang operasyon,  kaya nga ang ilan sa miyembro nito pinag-eenrol talaga hindi upang mag-aral kundi para mag-operate sa kanilang bentahan.

Kailangang mag-enrol; o maging estudyante para disimulado umano na makakalapit sa mga estudyante at sa kanilang mga parukyano.

Mayroon umanong mga point man ang sindikato na ito na ikakalat nila sa mga colleges at university na siyang magdadala o magbebenta ng droga sa kanilang mga parukyano.

Ayon  sa  PDEA, mismong sa naaresto nilang si Dennis Ray Thieke, 37, isang Filipino-American, na residente sa isang unit sa Tivoli Garden Residences, Coronado Street, Brgy. Hulo, Mandaluyong City nanggaling ang kanilang impormasyon.

Ang condo unit ni Thieke ay ginagawang drug den at ecstasy laboratory. Bukod kay Thieke, lima pa niyang kasamahan ang nadakip din sa isinagawan raid kamakailan.

Dahil nga dito, nakatakdang maglunsad ng matinding pagbabantay ang PDEA at mga awtoridad sa mga pamantasan sa pakikipag-ugnayan nila sa mga school officials.

Dito na kailangan ang matindi ring pagbabantay at pagmomonitor ng mga opisyal ng paaralan sa kanilang nasasakupang mga mag-aaral.

Kamakailan  lamang sa Maynila, ang isang estudyante na nahuli sa aktong nagma-marijuana sa loob ng comfort room ng paaralan. 

Senyales ito, na talagang sa loob mismo ng paaralan tumitira ang ilang mga pasaway ding mag-aaral.

Bukod sa mga unibersidad at kolehiyo, mukhang akibo din ngayon ang sindikato ng droga na kumikilos sa mga malalaking bar na dito, may report na talagang kumakalat ang mga tinatawag namang paty drugs na sinusubaybayan na rin ng mga kinauukulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with