^

Punto Mo

‘Mga dapat tandaan sa ligtas na pagbibiyahe’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

UWIAN na! Hindi dahil may nanalo na, kundi dahil tapos na ang dalawang araw na pahinga. Oras na naman para sumabak sa trabaho at magbalik-eskuwela. Back to normal kumbaga.

Matapos ang Undas siguradong dagsa ang libu-libong pasahero’t motorista na pabalik ng Maynila at sa mga pauwi rin naman sa kani-kanilang probinsiya. Kaya naman asahan na sa araw na ito ay siguradong magsisikip ang daloy ng trapiko.

Sa mga ganitong panahon, mataas ang naitatalang aksidente sa kalsada. Kaya naman para siguruhin ang mas maayos at ligtas na pagbibiyahe pabalik ng Maynila, heto ang ilan sa mga dapat ninyong tandaan.

Una. Hanggat maari ay ‘wag nang makisabay sa uwian ng karamihan. Kung kaya ninyong umalis nang maaga ay mas maganda. Makakaiwas na kayo sa traffic, siguradong makakarating pa ng mas maaga.

Ikalawa. Sa oras na magkaroon ng problema o aberya, importanteng malaman kung kanino hihingi ng saklolo. Huwag kalilimutan ang mga numerong magsasalba sa inyong buhay.

Isa na rito ang national emergency hotline na 9-1-1. Puwede ring tawagan ang PNP sa numerong 1-1-7 at maging ang MMDA sa numerong 1-3-6.

Ikatlo. Para naman sa mga motorista, siguruhing nasa maayos na kundisyon ang inyong mga sasakyan bago umarangkada sa kalsada. Sundin din ang traffic rules at road signs para iwas-disgrasya. At pinaka-importante sa lahat, siguruhing malaki ang baon mong pasensiya.

Ilan lamang ‘yan sa mga importanteng bagay na dapat malaman para sa ligtas na pagbaybay sa lansangan. Huwag kalimutan na kaakibat ng masayang paglalakbay ay ang ibayong pag-iingat at paghahanda sa anumang oras ng sakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with