^

Punto Mo

‘Asal-hayop ang may-ari ng Masters International Placement’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI pa rin nawawala kay Juan dela Cruz ang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa sa paniniwalang aangat ang kanilang buhay.

Ang payak na pangarap na ito ang pinagkakakitaan ng ilang negosyo sa panahon ngayon, mga manpower agencies. Ang kanilang trabaho, asistehan ang overseas employment ng mga aplikante.

Kumikita ang mga ahensiyang ito sa pamamagitan ng mga processing fee na ibinabayad ng mga aplikante at service fee na nagmumula sa mga kliyenteng dayuhang employer.

Ahensiya na ang tungkulin dapat ay gabayan at tulungan ka bilang kapwa Pilipino, masigurong lehitimo at ligtas ang iyong magiging amo sa ibang bansa.

May nadiskubre ang Kilos Pronto, “manpower” agency na maituturing subalit asal-hayop ang mga empleyado nito.

Eto ang inilapit na problema ng kababayan natin na nag-apply sa Masters International Placement Construction Services, Inc. bilang domestic helper sa Hong Kong.

Matapos niyang magbayad ng P12,000 para sa processing fee at asikasuhin ang medical, gayundin ang training sa TESDA at mag-ayos sa PDOS ay ginawa raw siyang katulong sa bahay ng may-ari ng agency para masanay sa pagiging DH!

Aba’y kumag ano, ginawang alila ang pobreng aplikante, may nalalaman pang training kuno eh ang gusto lang naman ay makalibre. Kapal ng mukha ng may-aring ‘to, oportunista!

Sumbong pa ng biktima, inalila na siya, pinagbabayad pa raw siya ng P45,000 para naman sa documentation! Dahil nakaramdam na ng panggogoyo ang biktima, lumapit na ito sa POEA para magsumbong.

Subalit lalo siyang inipit ng Masters International Placement, hinostage ang kanyang dokumento at passport. Ang mga sumunod na eksena, inambahan siya na babatuhin ng kutsara at tinakot na ipakakagat pa sa asong may rabies o ‘di kaya naman ay ipatutumba sa alpha!

Ang halimaw na may-ari ng ahensiya, hindi alam na naka-video ang kanyang pagwawala. Dokumentado ang bawat bastos niyang litanya, pagmumura, pangungutya at pananakot sa biktima.

Hindi tuloy naiwasang makapagbiro ni OWWA Officer Josephine Tobia matapos niyang mapanood sa ere ang video, ipa-check up daw ang may-ari sa veterinarian at baka malala na ang rabies nito.

Sa mga balak mangibang bansa, markahan n’yo na ‘tong Masters International Placement Construction Services, Inc., huwag n’yo nang aplayan. Kapag nagkataon ay hanggang kamatayan, wala silang pakialam sa inyo.

O Masters International Placement Construction Services Inc., sikat na kayo sa publiko, bahala na ang POEA at OWWA na kumastigo sa inyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with