^

Punto Mo

Bakit maraming gustong manood ng horror movies?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMI sa atin ang mahilig manood ng mga katatakutan tulad ng sa mga horror movies. Kaya naman mabenta ang mga pelikula at palabas sa telebisyon hinggil sa mga multo, kaluluwa, aswang, halimaw, zombie, kapre, bampira, tiyanak, maligno at iba pang nakakatakot na mga karakter o mga nakakakilabot na kaganapan dahil marami ang mahilig o gustong manood nito. Karaniwan na ngang may naglalabasang mga horror movies kapag panahon ng Undas. Ewan nga lang kung bakit ikinakabit sa mga Araw ng mga patay at Araw ng mga Kaluluwa ang mga nakakatakot na palabas pero tila nakasanayan na ang ganitong kalakaran. Isang dahilan kaya iyong mga horror movies na tumatabo sa takilya ay nagkakaroon ng part 2 o part 3 o kahit hanggang part 12 tulad ng Shake, Rattle and Roll. Iyong nag-click noon na Train to Busan ay magkakaroon daw ng part 2. Sinong hindi makakalimot sa The Ring. Nakakatakot din iyong “Alien” pero dahil tinangkilik ng maraming gustong takutin ang kanilang mga sarili ay nagkaroon din ng ilang extension.

Bakit nga ba may mga taong mahilig takutin ang kanilang mga sarili?

Sinasabi ng ilang eksperto na ang paghahangad na makaramdam ng takot ay may kaugnayan sa kapaligiran, mga kemikal ng katawan at personalidad.

Isang psychology professor ng University of Toronto Scarborough na si Steve Joordens ang nagpaliwanag na ang takot na nararamdaman ng taong mahilig takutin ang kanilang sarili ay hindi tulad ng ibang klaseng takot. Isa anya itong kontroladong klase ng takot. Ibig sabihin, kung batid ng isang tao na nasa ligtas na lugar siya habang nanonood o nakikisali sa nakakatakot na mga kaganapan, ito ang klase ng takot na gusto nilang maramdaman. Ang ayaw nila ay ang takot na mararamdaman nila sa nakakatakot na sitwasyon sa totoong buhay.   Hindi ito tulad sa klase ng takot na kontrolado dahil alam ng isang tao na hindi totoo ang kanyang napapanood at ligtas siya.

Sabi pa ni Joordens, ang utak ay may dalawang magkaibang modes- parasympathetic mode (na tumututok sa long-term survival) at sympathetic mode (nakatutok sa short-term survival. Kapag ang tao ay nasa bingit ng kamatayan, pumipihit ang kanyang utak sa short-term survival. Ito ang oras na bumibilis ang pintig ng puso, mabilis ang paghinga, at sa pangkalahatan ay nanunuyo ang bibig dahil humihinto ang ating digestive process.

Batay sa kanyang pahayag, ang namumuong tensiyon sa sarili ng taong nanonood ng horror movies ay nailalabas sa pamamagitan ng pagsigaw o pagtawa kaya nakakatuwaan ang ganitong mga nakakatakot na panoorin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with