^

Punto Mo

Ang tokhang na nagliligtas

Pang-masa

BINUWAG na ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang, kasabay ng pagpapabahala sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa kampanya laban sa illegal drugs. Ang tokhang ay isang coined word na sigurado akong nadagdag na sa iyong bokabularyo.

Ang tokhang ay hango sa salitang Cebuano na toktok-hangyo, na ang ibig sabihin ay katok at pakiusap.  Pinagsama ang dalawang salita upang maging tokhang. Ibig sabihin, ang mga pulis ay kakatok sa bahay ng mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs upang pakiusapang itigil na ng mga ito ang kanilang bisyo.  Ayon sa PNP, nakatok nila ang mahigit sa anim na milyong bahay sa buong bansa, kung saan isang milyon mula sa mga umaming sila’y sangkot sa droga ang sumuko sa pulisya.

Simula nang ipatupad ang Oplan Tokhang noong nakaraang taon, mahigit sa pitong libo ang napatay, bagamat sinasabi ng mga human rights advocates na umaabot sa 12,000 ang napatay sa buong bansa.  Base sa government figures, 3,451 ang napatay sa lehetimong police operations laban sa droga, ang iba’y bunga ng pagpatay ng mga vigilantes, kasama na rito ang mga kriminal na riding in tandem.

Dahil sa mga madugong pagpatay na iniuugnay sa giyera laban sa droga, ang tokyang na maganda sanang salita ay naging kasingkahulugan ng kamatayan.  Kapag sinabing natokhang, ang ibig sabihin ay napatay ng mga pulis ang pinaghihinalaang sangkot sa droga dahil sa nanlaban. Naging panakot pa nga ang pangungusap na “kung ayaw mong matokhang.” Naging makatotohanan ‘yong toktok, pero nawala ‘yong hangyo o pakiusap. Sa halip na pakiusapan, naging sapilitan at puwersahan. Dahil dito, umani ng pula sa loob at labas ng bansa ang kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Ayon sa mga surveys, majority pa rin ng mga Pilipino ang sumusuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa droga, ngunit mas nakararaming Pilipino ang gusto ay mahuling buhay ang mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs.

Talagang ang tokhang ay isang masamang balita, isang pambansang bangungot. Marami ang nayurakan ang karapatan. Tila naging mumurahin ang buhay. Pero alam mo ba na may tokhang na makapagliligtas sa iyo? Ito ang tokhang na talagang katok at pakiusap para sa buhay at kaligtasan. Ganito ang sabi sa Pahayag 3:20, “Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan.  Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya.”

Ang kumakatok dito’y si Cristo.  Ang pintuang kinakatok Niya ay ang iyong puso.  Kapag kusa mong binuksan, papasok Siya, hindi upang ikaw ay arestuhin, saktan o patayin.  Papasok Siya upang bigyan ka ng buhay at ng kasaganaan nito.  Isipin mo, makikisalo sa iyo si Cristo! Wow, ang makikisalo sa iyo ay hindi lamang Presidente ng Pilipinas, kundi ang Hari ng mga hari, ang Panginoon ng mga panginoon!

Oo, ito ang tokhang na kailangan mo, sapagkat ito ang tokhang na nagliligtas. Talasan mo ang iyong pandinig, dahil mahina lamang ang Kanyang pagkatok sa gitna ng nakabibinging ingay ng mundo. Walang sirena, walang busina, walang putok ng baril. Ang tangi mong maririnig ay ang mahinang tibok ng puso ng Diyos.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with